CHAPTER 19: MEMORIES

161 37 0
                                    

SAKURA POV

Mabilis na tinatahak ko ang kahabaan ng pasilyo sa ikaanim na palapag patungo sa classroom namin. Nakasakay ako sa skateboard ko habang pinapakiramdaman ko si Chandara sa likuran ko.

Napapangisi na lang ako, kahit kelan talaga napakabagal niya pero ayos lang yun, sa larong ito ko lang naman talaga siya natatalo.

Nadadaanan ko ang isa isang classroom ng ibang mga seniors. Wala akong ibang naririnig kaya alam kong tahimik silang nakikinig lang sa kanilang mga guro.

"Edi kayo na mabait."  I said to myself with a smirked on my face.

Kung gaano katahimik ang ibang seniors, aminado akong kabaligtaran nun ang section namin kapag nasa loob ng klase.

Nakarating ako sa tapat ng classroom namin na sobrang tahimik. Nagtaka tuloy ako kung bakit napakatahimik dahil kahit nakasara naman ang pinto ng classroom namin alam kong napakaingay ng mga kaklase ko kapag nagsama-sama na sila sa loob ng klase pero ngayon, wala akong naririnig na ano mang ingay.

Isa lang ang ibig sabihin kapag ganitong tahimik ang mga kaklase ko---ginalit na naman siguro nila si Jade.

Napatingin ako sa nakasarang pinto, nakita kong may nakatayong dalawang kaklase namin ang naroon ngayon sa may pintuan. Kahit nakatalikod sila, nakilala ko pa rin naman kung sino sila, si Jade katabi nito si Lizanna. Nandyan na si Jade kaya alam kong late na naman kami. Malamang naman kasi kanina pa naman talaga nagbell.

Yumuko na ako para pulutin na ang skateboard ko. Naramdaman ko na rin na nakarating na rin si Chandara sa may gilid ko at nang tumayo ako ng maayos buhat buhat na ang skateboard ko ay nakita ko na nga siyang nakasimangot na naman dahil ano pa ba, natalo ko na naman siya.

"Habang buhay ka na lang ata na taga gawa ng assignment ko." Pang-asar na sabi ko sa kanya habang hinihintay kong makatayo siya dahil pinulot na niya yung skateboard niya.

"At habang buhay ka na rin atang magmamayabang." Sabi nito nang makatayo ito kasabay nang pag-irap niya sa akin at nagsimula nang maglakad patungo sa pintuan ng classroom namin.

Dali dali akong lumapit kay Chandara at umakbay sa kanya.

"I love you too, babae." Natatawang sabi ko sa kanya habang sabay na kaming naglalakad.

"I love you hin mo mukha mo." Naaasar na turan niya. Tinawanan ko lang naman siya.

Tama siya, habang buhay na nga siguro akong magmamayabang dahil sa kompetensya naming dalawa at dahil nga roon, habang buhay na rin siyang taga gawa ng assignment ko.

Matalik na magkaibigan kami ni Chandara ngunit magkaibang magkaiba naman kami ng ugali. Matalino siya, masipag, mabait, friendly. Sa madaling salita, responsableng estudyate ngunit kabaligtaran naman ako nun.

Sa pag-e-skate ko lang talaga siya natatalo sa lahat ng bagay at kapag natalo siya, hindi naman pwede na magpalibre ako sa kanya dahil lahat ng kinakain namin at natatanggap namin dito sa Hellena ay libre lahat kaya sinasabi kong gawan niya na lang ako ng mga assignment namin kapag natatalo ko siya.

Maldita ako, mapanlait, matapobre, tamad, mabilis lang uminit ang ulo, hindi nakikipaghalubilo sa iba at sumasagot ako ng pabalang kahit sa mga taong mas nakakatanda sa akin. Kay Chandara lang ako dumadaldal at nagiging mabait. Sa akin lang din siya nagiging mataray dahil gusto niya nga akong matalo sa pag-e-skate namin pero hindi niya naman magawa. Wala rin akong pakialam sa lahat. Ni hindi ko nga pinagkakausap ang mga wala kong kwentang kaklase pero minsan nakikisama naman ako sa mga kalokohan nila kapag bored ako at walang magawa. Sa madaling salita, iresponsableng estudyante. Patapon ang ugali, walang patutunguhan sa buhay kaya nga ako nababagay dito sa Hellena. Mayayaman nga kami pero pare-parehas namang mga patapon.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon