SASHIKO POV
Nandito ako sa park kasama ko si Zero. Kanina pa nagbell ngunit tila walang balak pumasok itong isang ito. I looked at him. Abala lang siyang nakatungo at kanina pa pinagmamasdan ang hawak hawak niyang isang sobre. Alam ko ang sobreng iyon. Yun yung ace card na natanggap ko. Kung ganun, hindi niya pa rin pala iyon nabubuksan.
I knew him for so long kaya alam ko kung ano ang bumabagabag sa kanya pero sa paglipas ng panahon, marami nang nagbago. Isa na nga yung nangyari kanina sa cafeteria. Ibang Zero yung nakita ko kanina. Para siyang isang demonyo at kung hindi siya siguro pinigilan ng mga kaklase namin malamang na baka napatay na niya yung babaeng sakal sakal niya kanina.
Tinawag ko siya kasabay nang paghawak ko sa kanang kamay niya.
"Parekoy..."
Inaasahan kong dahan dahan siyang lilingon sa akin pero hindi yun ang ginawa niya.
Marahas niya akong hinatak papalit sa kanya at niyakap nang sobrang higpit na tila ba ayaw na niya akong pakawalan pa.
Alam kong nag-aalala lang siya para sa akin. Oo, marami nang nagbago. People changed, everything changed pero yung pakikitungo sa akin ni Zero ay ganun na ganun pa rin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa aking isipan. Alam kong safe na safe pa rin ako sa mga kamay niya.
"You're crazy. Pinag-alala mo ako." Bakas sa boses niya ang pag-aalala para sa akin.
Hindi ako kumibo instead hinaplos ko lang ang likod niya para sabihing ayos lang ako.
"Ashford and Salcedo, go to the punishment room now."
Naramdaman kong lumingon si Zero sa may gilid namin habang hindi pa rin naalis ang pagkakayakap niya sa akin. Tila ba wala siyang pakialam sa taong biglang sumulpot sa gilid namin ngayon. Hindi ko na sinubukang lumingon dahil nakilala ko rin naman ang boses niya at mukhang wala pa akong balak pakawalan ni Zero sa mga bisig niya.
Class hour ngayon kaya alam kong doon ang magiging parusa namin kapag nahuli kami ng Presidente na pakalat kalat kung saan saan. I just smirked. Ganito pala talaga siya kabagsik.
Nakatayo lang si Jade sa may gilid namin na tila ba naghihintay sa pagtayo namin. Hindi ko alam kung anong itsura niya basta ang alam ko lang kahit nakatalikod ako sa kanya alam kong nakatingin na naman siya sa akin.
"Let's go." Halos pabulong ko na lang na sinabi yun kasabay nang pagtap ko sa likuran ni Zero.
Inalalayan niya pa akong makatayo at nang makatayo ako nang tuluyan, nagtama na naman ang mga mata namin ni Jade. Walang duda, ganun na ganun pa rin ang bawat pagtitig niya sa akin. Nawaglit lang ang pagtititigan namin nang bumaba ang tingin niya sa kamay ni Zero kasabay nang pagkunot ng noo niya.
Hinatak na ako ni Zero. Nagsimula na kaming maglakad habang iniisip ko ang naging reaksyon ni Jade kanina. Alam kong may halong pagtataka ang reaksyon niyang iyon pero hindi ko maintindihan kung saan ba dapat siya magtaka? Sa kamay ba ni Zero na nakahawak sa kamay ko o sa ace card na hawak ni Zero?
Nakarating kami sa punishment room na nasa ikalawang palapag ng main building. Labas pa lang ng pinto alam kong kakaiba na ang madadatnan ko mula sa loob.
Agad akong napatakip sa ilong ko nang masangsang na amoy agad ang bumungad sa amin pagkabukas na pagbukas ng isang gwardyang nagbabantay mula sa labas.
"Maaari na kayong pumasok."
Narinig kong sabi ng gwardya pero hind ko iyon pinansin. Abala kasi akong pagmasdan ang itsura ni Zero.
Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa loob na sobrang dilim naman. Ni hindi siya nag-atubiling takpan man lang ang ilong niya pero halata naman sa mukha niya na ngayon lang din siya makakapasok sa mabahong kwarto na ito.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Gizem / GerilimSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...