AYAKO POV
Pagkatapos namin sa conference room, napagpasyahan namin na dumerecho muna kami sa cafeteria, may 30 minutes break pa naman kami para magsnak muna bago ang unang klase namin ngayong unang araw ng klase.
Nandito ako sa ikalawang palapag kung saan patungo na sa cafeteria kasama ng bestfriend kong kanina pa daldal ng daldal sa tabi ko at ang iilang kaklase ko na tahimik lang na naglalakad na kagaya ko. Lumingon lingon ako sa palagid para hanapin ang ibang kaklase ko pero hindi ko sila makita. Marahil ay dumerecho muna sila sa CR bago magtungo sa cafeteria.
"Grabe Ayako, tatlo ang transferee sa klase natin at lima naman mula sa Class F. Kamusta naman ang Tres Malditas, tuwang tuwa na naman siguro niyan si Hershey." Natatawang sabi ni Arkisha sa tabi ko na tila ba galak na galak na siyang malaman ang sasapitin ng mga bago naming mga kaklase sa kamay ng Tres Malditas o sa kamay ni Hershey.
Arkisha Hoyle---she's my bestfriend, also known as neneng daldal. Halata naman siguro ang pag-uugali niya sa bansag na pangalan niya. Kanina pa siya daldal ng daldal sa tabi ko---nonstop. Ako lang naman ang dinadaldal niya mula pa kanina pero tila ba parang hindi siya nauubusan ng mga sinasabi niya. Minsan nagsasawa na rin ang ibang taong nakapaligid sa kanya na kausapin siya dahil sa kadaldalan niya mabuti na nga lang at ako ang bestfriend niya kaya naman napagtyatyagaan ko pa rin naman ang kadaldalan niya. May pagkachismosa rin siya pero nasanay na rin naman ako sa pag-uugali niyang iyon. Siya lang naman kasi ang palagi kong kasa-kasama.
Nakarating kami sa cafeteria. Ingay ng mga estudyante ang bumungad sa amin. Kahit maingay sa buong paligid hindi pa rin nagpapigil si Arkisha sa pagkahyper niya.
"Good morning Hellena's~." Malakas na sigaw niya kaya naman napatingin pa samin ang lahat ng estudyante dahil sa sigaw niya na iyon.
Pinilit kong yumuko at humawak nalang sa reading glass na suot ko dahil sa kahihiyan na ginagawa niya ngayon. Napailing pa ako. Kung umasta kasi siya tila ba isang taon niyang hindi nakita ang lahat ng estudyante rito sa Hellena.
Hinila ako ni Arkisha papunta sa mga kaklase namin na nagsisimula nang magsipagkainan ng mga snak na binili nila. Pagkarating nga namin sa pwesto nila, ano pa sumigaw na naman si Arkisha.
"Nandito na pala kayo." Masayang bati niya. Humila pa siya ng dalawang upuan mula sa kabilang lamesa para makaupo kami kasama ng ilang kaklase namin.
"Ay wala. Hindi kami tong nasa harapan mo. Baka picture lang namin to Arkisha, idilat mo yang mata mo." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Chricialyn habang si Arkisha ay salubong ang kilay nito.
Chricialyn Cadwell---ang kaklase naming ubod ng talino---sa mga pambara at kapilosohan nga lang. Wag na wag mo siyang kakausapin kung ayaw mong masagot ng mga patangang sagot niya. Sa madaling salita, nakakainis, nakakatanga at nakakagago siya kausap. Maraming naiinis sa kanya dahil sa mga pambabara at kapilosohan na sagot niya, isa na nga ako dun. Kaya hindi ko siya kinakausap kung hindi rin naman tungkol sa klase ang sasabihin ko sa kanya. Lagi silang nagbabangayan ni Arkisha pero masasabi ko na matalik na magkaibigan din sila dahil may iilang bagay na pinagkakasunduan din nila kahit na palagi silang nagsisigawan. Mabait naman si Chricialyn, wag mo nga lang siyang kakausapin kung ayaw mong makatanggap ng mga pambabara at kapilosohan niya.
"Ano daw? Pwede ba Chricialyn kung magsasalita ka tanggalin mo nga yang lollipop sa bibig mo." Sigaw ni Arkisha kay Chricialyn.
Palagi kasing may kinakain o sinusubong lollipop si Chricialyn sa bibig nito. Mahilig siya sa lollipop. Yung tipong kakaubos palang ng lollipop niya may pamalit na agad siya. Para bang oxygen niya ang lollipop na iyon. Para bang hindi siya mabubuhay kung wala siyang lollipop na kinakain.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...