JADINE POV
"Mabuti naman nagising ka na."
Mabilis akong napatingin sa bandang kaliwa ko nang marinig ko iyon.
Pagkagulat at pagtataka ang naramdaman ko.
Bakit nandito siya?
Nakahiga ako ngayon sa napakalamig na semento at nakatali ang mga kamay at paa ko. Nilibot ko ng paningin ko ang buong paligid kahit nakahiga pa ako at napagtanto ko ngang nasa parke kami ng Hellena, na nasa gilid ng dormitoryo namin.
Kung ganun, nagbalik na pala ang kuryente dahil naririnig ko na ulit ang tunog ng musika. So hindi pa pala tapos ang pagdiriwang na nagaganap?
Madilim sa buong paligid at tanging ilaw lang ng isang poste ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon dito kaya walang makakakita sa akin kung ano man ang maaaring gawin niya sa akin dito. Sa madaling salita, walang makakatulong sa akin para makaligtas pa ako ngayong gabi. Makaligtas pa ako sa nalalapit na kamatayan ko.
Iginalaw ko ang buong katawan ko para makaupo ako ngunit hindi ko magawa dahil lang sa nakatali nga ang mga kamay at paa ko kaya naman muling babagsak sa semento ang katawan ko.
"Let me help you." Napaigtad ako nang nasa tabi ko na siya at tinulungan niya nga akong makaupo.
Nakatingin lang ako sa kanya, sa nakangiting mukha niya hanggang sa bumalik ito sa kinauupuan niya kanina.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Kung bakit ako nandito, kung bakit siya nandito sa harap ko at kung bakit gapos gapos niya ako.
Siya ba ang papatay sa akin? Ngayon na ba talaga ako mamamatay? Pero bakit niya ako papatayin?
Nasa ganun akong pag-iisip nang may isang bato na biglang lumipad sa ere at muntik ng tamaan ang taong nasa harapan ko ngayon.
"WTF! Paano kung natamaan ako nun?" Malakas na sigaw nito.
Yung kaninang nakangiting mukha nito ay napalitan nang pagkainis.
"Tarantado ka! Bakit dito mo siya dinala? Papaano kung may makakita sa kanya?" Kahit nakatalikod ako sa kanya, nabosesan ko pa rin naman siya at bakas nga sa boses niya ang pagkairita.
Bakit nandito rin siya? Kasabwat din ba siya?
"Chill Alas, planado ko na lahat ito." Malademonyong pagngisi nito pero hindi naman siya nakatingin doon sa kaklase naming tinawag niyang Alas kundi sa akin siya nakatingin.
Siya ang nagdala sa akin dito kaya alam kong siya rin ang taong sumuntok sa sikmura ko kanina na nagpawala ng malay ko kaya ako napadpad rito.. Nakatayo na siya ngayon habang nakatingin lang sa akin. Nakangiti siya na gaya ng pagngiti niya sa klase namin. Ang magandang ngiti niya na ibinibigay niya sa lahat.
Napapaisip ako kung bakit Alas ang itinawag niya sa isang kasamahan niya, diba dapat...
"Kamusta Jadine?"
"Aaaaahhh!"
Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang may marahas na sumabunot sa buhok ko. Sa sobrang sakit nun, panandalian kong nakalimutan kung ano ba ang iniisip ko kanina dahil sa nakatuon ako sa kanya. Nakatayo siya rito sa likuran ko at marahas niya ako sinasabunutan para makita ko siya mula sa likuran ko. Bale yung ulo ko ay nakabaligtad na papunta sa kanya. Kahit nakabaligtad ang ulo ko, nakilala ko pa rin naman kung sino siya.
"Alam mo bang naiinis rin ako sayo kapag nakikita kong lumalapit ka kay Vonn at humihiyaw ka pa kasama ng ibang kaklase natin?" Mahabang litanya nito.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...