CHAPTER 34: WHO'S THE KILLER?

44 1 0
                                    

Sᴏᴍᴇᴏɴᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

"Bakit mo siya pinatay? Wala sa usapan 'to. Nag-iisip ka ba talaga ha?!" Galit na galit ito habang dinuduro ang kasamahan naming pumatay kay Franz.

Nandito kami sa aming kuta. Ilang oras na rin ang nakakalipas mula ng matagpuan ang katawan ni Franz kanina sa cafeteria. Natapos na rin ang buong klase namin at si Franz lang naman ang pinag-uusapan ng mga kaklase namin at ng ibang section. Hindi ko mapigilang hindi matawa habang nakikinig lang ako sa kanilang dalawa dahil wala talaga sa bokabularyo niya ang salitang 'kalma'. Kahit kailan, hindi siya marunong kumalma at nasisiguro kong baka isang araw ay 'yan din ang papatay sa kanya. Masiyado siyang padalos-dalos sa kanyang desisyon. Hindi nag-iisip kung tama ba ang kanyang ginagawa.

Alam ko naman kung bakit niya pinatay si Franz. Masiyado akong matalino para malaman ang motibo niya sa pagpatay kay Franz kahit walang nakakasagot sa kanya rito kung bakit nga ba niya pinatay si Franz. Alam kong may mabigat siyang rason kung bakit niya ginawa iyon at ang rason na iyon ay alam kong para lamang sa kanyang sarili. Sabagay, masiyado siyang makasarili. Pwe!

"Tingin mo ba sa ginawa mo, walang makakahalata sa 'yo? Pwede ka nilang akusahan dahil iisipin pa lang nila kung bakit mo pinatay si Franz ay dahil sa galit. May sariling galit ka sa kanya, hindi ba?" Napangiwi ako. Muntik ko nang makalimutan na matalino rin pala 'tong isang 'to. Katulad ko, alam kong 'yun din ang iniisip niyang rason kung bakit nga ba nito pinatay si Franz.

Galit. Alam kong galit ito sa manyakis na lalaking 'yun. At ang galit na iyon ay umusbong na ata hanggang dulo to the point na gusto na nitong mabura sa mundo si Franz.

"Paano naman nila iisipin 'yun eh nasa cafeteria na ako nang makita nila ang katawan ni Franz?" Nakangising pahayag nito. Tila nanghahamon sa kausap. Kinukimbinsi ang kaharap na hinding-hindi siya mabubuko sa kanyang ginawa.

Tahimik akong sumang-ayon sa kanyang sinabi. Oo, totoong nasa cafeteria na siya kanina nang makita namin ang katawan ni Franz. Paano niya kayang napanatili ang katawan ni Franz sa kisame at dumausdos na lang bigla sa itinakdang oras kung saan dumami kanina ang tao sa cafeteria? Kung saan nasa loob siya ng cafeteria kaya naman magdadalawang isip pa ang kung sino man ang mag-iisip kung siya nga ba ang pumatay kay Franz? Kung siya nga ba talaga ang gumawa nun? Sa aming anim, siya ang bukod tanging kakaibang pumatay. Tila gustong-gustong pinaglalaruan ang taong pinapatay nito. Ngunit sa aming anim, siya lang ang bukod tanging pumapatay dahil sa sariling kagustuhan. Papatay lang siya kung nais na niyang mawala sa mundo ang taong gusto nitong patayin. Mga kinaiinisang tao. Mga hindi gustong tao. Walang kwenta! Hindi nalalayo ang kanyang pag-uugali sa mga taong pumatay sa pinakamamahal kong guro.

"At talagang pinagmamalaki mo pa na magaling ka dahil hindi ka nahuli?"

"Tahimik at swabe ako magtrabaho." Sumandal ito sa upuan at pinikit ang mga mata. Tila nauubos na ang pasensya sa kausap.

"Paano ka naman nakakasiguro na wala ngang nakakita sa 'yo at sa cafeteria mo pa talaga nilagay ang katawan niya?"

"Ano bang alam mo? Wala kang alam. Leave me alone!" Akma itong tatayo at maglalakad na palabas nang muli itong hilain ng kausap.

"Kilala kita. Kilalang-kilala kita. At dahil kilala kita, diyan sa padalos-dalos na gagawin mo, alam kong 'yan ang ipapahamak mo." Nag-aalalang sagot nito. Tinitigan lang siya ng kaharap. Marahas na hinila pabalik ang kanyang kamay at saka muling umupo. Tila sumusuko na sa kanyang kausap.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon