CHAPTER 8: ACE CARD

280 46 0
                                    

LIZANNA POV

"Kyaaaaaaaaaaah~"

Narinig ko ang malakas na sigaw na iyon ng isang estudyante pagpasok na pagpasok namin ni Jade sa classroom namin kasabay nang pagtigil ng tunog ng musika kanina.

Ang estudyanteng iyon ay huminto sa tapat mismo ng pintuan ng classroom namin kung saan ako nakatayo ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya habang titig na titig siya sa bagay na hawak niya---ang ACE CARD.

"Liz." Tawag pansin sakin ni Jade kaya napalingon ako sa kanya.

"Teka lang." Nakangiting saad ko sa kanya habang bumaling ulit ako sa estudyanteng sumigaw kanina.

Nakatingin lang ako sa estudyanteng iyon. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha niya habang patuloy pa rin siya sa pagsigaw niya sa sobrang galak dahil sa ace card na iyon.

"May ace card ka rin?"

Napalingon ako sa taong sumigaw nun. Naglalakad ito papalapit sa estudyante na narito sa tapat ng pintuan namin. Paglapit niya ay agad niyang pinakita sa kasama niya ang ace card din nito at sabay na silang nagsisisigaw. Sa tingin ko ay magkaklase sila.

"Liz."

Narinig ko ulit ang pagtawag sakin ni Jade sa likuran ko kaya naman sinarado ko na ang pinto tsaka ako bumaling na sa kanya.

"Buti pa sila nakakatanggap sila ng ace card." Nakasimangot na sabi ko paglapit ko kay Jade at kumapit ako sa braso niya tsaka sabay na kaming naglakad papunta sa upuan namin.

"Lizanna, sino yung nakatanggap ng ace card?" Sigaw ng isang kaklase ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ko kilala e." Nakangiting sagot ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami ni Jade papunta sa pinakadulo ng classroom namin, doon kasi kami nakaupo ni Jade.

"Jade, break time naman na ulit diba? Pwede na ba kami lumabas?" Tanong ng isang kaklase ko kay Jade pagkaupo na pagkaupo namin sa upuan namin.

"Lumabas ka." Walang ganang sagot ni Jade sa kaklase naming iyon kaya hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Alam ko naman kasi na kabaligtaran ang sagot nun ni Jade.

Mula nung freshmen kami ay nakakarinig na kami ng kakaibang tunog. Hindi ko alam kung para saan o kung ano ang musikang iyon basta ang alam ko lang kapag pinapatugtog iyon sa buong Hellena alam namin na break time ulit namin. (Book 1: Chapter 40-Andrea POV---Nabanggit ko po yan doon.)

Naiiba kami sa lahat ng klase dahil ang klase namin ay magugulo kapag nagsama sama na kami lahat dito sa loob ng classroom namin pero kapag naririnig namin ang musikang iyon, yun ang bukod tanging nakakapagpatigil sa aming lahat. Kapag naririnig namin ang nakakakilabot na musikang iyon, aasahan na namin na may mga ilang estudyante na magsisigawan dahil sa tunog na iyon. Ang musika kasing iyon ay ang senyales na may ilang estudyante na makakatanggap ng ace card.

Ace Card---isa itong pulang baraha na sa likod nito ay may nakaukit na ace spade habang sa harap naman nito ay ang litrato ng estudyanteng makakatanggap nun.

Tuwang tuwa ang lahat ng estudyante kapag nakakatanggap sila ng ace card dahil may kapalit na premyo ito. Since boarding school ang eskwelahan namin kaya naman masyadong mahigpit dito. Bawal ang mga gadgets para makipagkomonikasyon kami mula sa labas. Ang mga estudyanteng nakakatanggap ng ace card ay may pagkakataon na makuha nila ang mga gadgets nila na ikinomfiscate mula nang pagtapak namin dito sa Hellena at may pagkakataon silang gamitin iyon sa loob ng tatlong araw. Ipapakita lang nila ang ace card na natanggap nila kila Mr. Baroja at Mrs. Alena upang maibigay na sa kanila ang mga gadgets nila at pagkatapos ng tatlong araw, ibabalik na muli nila ang gadgets nila. Balik ulit sa dati, ganun lang.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon