CHAPTER 12: WRONG MOVE

237 47 5
                                    

HENNA POV

*Kring*

Saktong nagbell paglabas ko ng elevator. Ang bell na yun ay alam kong oras na ng uwian ng mga estudyante. Sa loob ng apat na taon na nawala ako rito sa Hellena ay kabisado ko pa rin naman ang bell na iyon.

Apat na taon, bago ako ulit nakatuntong sa impyernong eskwelahan na ito. Wala akong balak na magpunta sana rito kung wala lang akong kailangang alamin. Tsk. Kahit apat na taon ang nagdaan, sariwa pa rin sa akin ang trahedyang nangyari noon sa klase namin at syempre sa kakambal kong si Jin.

Kasalukuyan kong binabagtas ngayon ang napakahabang pasilyo. Sa loob ng apat na taon na pagkawala ko rito sa Hellena ay napakarami ng nagbago rito. Isa lang naman ang hindi pa nagbabago dito at alam kong kailanman hindi na yun magbabago pa, yun ay ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Kahit hindi ko na sila mga kabatchmate at kahit mas matanda ako sa kanila ng apat na taon still nakakairita pa rin talaga ang kaingayan ng mga walang kwentang bunganga nila. Tsk.

Gaya ng dati ng unang pagtapak ko dito sa Hellena bilang isang senior ay nakasunod pa rin ang tingin ng mga estudyante sa akin.

"Sino kaya siya?"

"Ewan ko. Ang ganda niya pero nakakatakot siya."

"Oo nga pero bakit ba siya may latigo? Para tuloy siyang baliw. Sayang ang ganda pa naman niya."

Mabilis akong napahinto nang marinig ko iyon. Nilingon ko ang lapastangan na estudyanteng nagsabi nun. Hinatak ko ang latigo kong nakasabit sa balakang ko at inihagis ko iyon papunta sa kanya. Pumulupot ang latigo ko sa buong katawan niya. Gulat na gulat ang lahat ng estudyanteng nakatingin sakin, dahil sa ginawa ko habang yung lapastangan na estudyanteng walang modo ay takot na takot ang itsura nitong nakatingin sakin.

"Gosh, who is she ba? Nakakatakot yung kulay asul niyang mata, parang nagliliyab sa galit."

"Ssshh, tumahimik ka nga baka marinig ka."

Napairap ako.

Para namang hindi ko talaga sila naririnig. Tsk.

Hinatak ko ang latigo kong nakapulupot sa katawan ng estudyanteng iyon. Hinatak ko iyon para makalapit pa siya sa akin. Siya dapat ang lumapit sakin, hindi ako.

"Anong sinabi mo?" Madiin na sabi ko at bakas sa boses ko ang galit.

Sobrang tahimik sa paligid kaya naman alam kong rinig na rinig iyon ng mga estudyanteng narito ngayon sa pasilyo.

Hindi sumagot ang estudyanteng nasa harapan ko ngayon kaya mas lalo akong nairita sa kanya. Kahit babae siya at kahit mas bata siya sakin ng apat na taon still wala pa rin akong pakialam. Mas lalo kong hinila yung latigo ko para mas lalo niyang damang dama ang galit ko.

Pakialamera.

Wala talagang pinagbago ang mga estudyante dito. Pare-parehong mga walang kwenta. Pare-pareho pa ring mga patapon. Walang pagbabago.

"A--te, ma--sakit na p--po." Utal utal na sabi niya pero wala akong pakialam sa kanya.

"Enough Jyl!"

Hindi ako lumingon kahit narinig ko ang malakas na sigaw na iyon. Mas lalo tuloy akong nairita dahil nandito na naman siya, nandito na naman sila. Ano? Pipigilan niya na naman ba ako? Pipigilan na naman ba nila ako? Gusto na naman ba nilang matulog na naman ako ng apat na araw ha? Na maging tanga at wala na naman akong gawin sa loob ng apat na araw dahil sa masyado silang pakialamero.

"Senyorita tama na po." Pigil sakin ni Aaron, yung butler ko. Pilit nitong tinatanggal ang latigo ko doon sa estudyanteng takot na takot, na halos ay mangiyak ngiyak na ito.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon