CHAPTER 35: SHE'S BACK

23 0 2
                                    

Hᴀʀʀɪꜱ Cʀᴏꜱꜱᴡᴏʟʟ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Mabilis na lumipas ang isang linggo magmula nang mamatay ang matalik na kaibigan kong si Franz. Huli na nang matagpuan ko ang kanyang katawan na nakasabit pabaligtad sa labas ng cafeteria. Sabay pa kaming nakalabas nun sa classroom at sinabi ko pang mauna na siya sa cafeteria dahil dadaan muna ako nun ng CR ngunit pagdating ko nga sa cafeteria'y wala ng buhay na Franz ang naabutan ko. Tila napakabilis ng pangyayari. Sa ilang minuto lang ay nagawang kunin kung sino mang pumatay kay Franz ang kanyang buhay. Ganoon kadali niya itong winakasan. At isang linggo ko na ring kinukumbinsi ang aking sarili na walang kinalaman doon si Vonn.

Kakaiba ang pagngisi ni Vonn nang araw na iyon, nang araw na makita naming lahat na patay na si Franz. Hindi ko alam kung bukod tanging ako lang ba ang nakakita na tila nasisiyahan pa siyang namatay na si Franz. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na wala siyang kinalaman doon ngunit kapag naiisip ko ang pagtatalong ginawa nila ni Franz bago ito bawian ng buhay ay hindi ko maikakailang baka may kinalaman nga si Vonn doon.

Huwag naman sana.

Isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Vonn. Isang linggo ko na rin kasi siyang tinatanong kung may kinalaman ba siya roon kahit na mukhang pinagbibintangan ko naman talaga siya kung iyon ang dating sa kanya ngunit imbis na mainis sa akin ay nginingisihan lang ako nito bagay na ipinag-iinit ng aking ulo kaya sa huli ay kami lang din ang nagtalo. Mukhang nasira na nga ng tuluyan ang pagkakaibigan naming tatlo nila Franz magmula nang dumating si Sashiko. Si Sashiko na higit niyang pinoprotektahan sa lahat.

Napakaaga kong pumasok ngayon. Naglalakad na nga ako patungo sa classroom namin. Nadadaanan ko ang ilang estudyanteng pinag-uusapan kung ano man ang mayroon ngayong araw na ito.

"Natatakot ako. Baka ako naman ang sunod niyang patayin."

"Anong oras ba papasok 'yung baliw na 'yun?"

"Ba't pa kasi kailangan niya pang makawala sa hawla niya? Hindi 'yun makatarungan sa mga pinatay niyang estudyante."

"Be ready guys. Mukhang maghahanap na naman ng panibagong laruan niyan si Psycho."

"Ngayon pa lang na naiisip ko nang makakasama at makikita na natin 'yung Psycho'ng 'yun ay parang nababaliw na ako."

Tila natataranta ang lahat higit ang mga kababaihan at mga kaklase ko. Natatakot ang kanilang mga itsura at mukhang may inaabangan na isang tao mula sa pinakaunahang pasilyo kung saan doon daraan ang taong kanina pa nila pinag-uusapan dahil maya't maya ang tingin nila roon.

Ngayon ang katapusan ng buwan kung saan lalabas na si Kyn sa punishment room. Iyon ang pinag-uusapan nila kanina pa, ang paglaya ni Kyn Schneider na kaklase rin namin. Baliw, Psycho, mamamatay tao, halimaw, iilan lang yan sa pagkakakilanlan ng lahat kay Kyn. Si Kyn ang kaklase naming nakulong sa punishment room ng isang buong taon. Oo isang buong taon. Ganoon siya katagal namalagi sa lugar na pinakaayaw naming mapuntahan. Matalino si Kyn, napakatalino. Sa sobrang katalinuhan nito'y ginamit niya sa marahas na bagay ang kanyang katalinuhan. Pagpatay. Iyon ang ginawa niya. Nakapatay siya ng isang estudyante. Isa sa mga estudyanteng nagpahirap kay teacher Lexy. Ang estudyanteng iyon ay nagmula sa klase namin. Alam naman namin kung bakit niya ginawa iyon dahil si teacher Lexy at Kyn ay magkapatid.

Si Kyn ang pinakaapektado nang mamatay ang aming guro. Dalawang taon niyang pinagluksahan ang mahal na ate. Nang mamatay ang guro naming iyon ay halos wala ng kinakausap si Kyn. Tahimik na lang siya sa isang sulok at bigla-biglang tatawa na hindi mo maintindihan kung sino o ano ang pinagtatawanan kaya nabansagan siyang isang baliw noon dahil sa ganoon ang istilo niya sa klase. Kakaiba rin ang uri ng kanyang pagtawa, iyon ang nakakadagdag sa nakakatakot niyang katauhan. 'Yung tawa niyang tila nanggaling pa sa ilalim ng hukay at gusto ka nitong dalhin hanggang sa kanyang lugar. Doon, kung saan nararapat ang katulad niyang halimaw. Minsan pa'y kinakausap ang kanyang sarili. Wala ng may gustong makipagkaibigan sa kanya nung mga panahon na 'yun. Ni ang lapitan siya'y hindi kayang gawin ng kahit na sinong estudyante dahil sa lahat ay natatakot sa kanyang kakaibang awra. Tuloy lalapit pa lang siya ngunit nilalayuan na siya ng mga estudyante, higit ang mga kaklase ko.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon