JACE POV
Bago palang sumikat ang araw ay gumigising na ako. Kahit gustuhin ko mang humilata pa sa higaan ko ay hindi ko na rin nagagawa dahil kung tatanghaliin ako ng gising baka hindi ko na naman maabutan si Jyl sa kwarto niya.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at nagmadaling umakyat sa ikatlong palapag ng palasyong ito, nandun kasi ang kwarto ng magkambal habang ang kwarto ko naman ay nasa ikalawang palapag.
Magmula nang makapagtapos na kami sa pag-aaral ni Jyl ay dito na ako pinatira ni uncle Lion. Gusto ko rin naman ito para magabayan ko si Jyl. Ni ayaw na ayaw kong nalilingat man lang ang mga mata ko sa kanya dahil sa oras na malingat man lang ako saglit ay nawawala na siya sa paningin ko. Hindi naman nalalayo ang tirahan namin dito sa palasyo ng mga Nishikawa pero mas gusto kong mamalagi rito kaysa sa amin dahil kung gaano katahimik dito mas di hamak na mas tahimik naman sa tirahan namin dahil si ama at ang mga kasambahay lang naman namin ang naroon.
Binabagtas ko ngayon ang kahabaan ng pasilyo rito sa ikatlong palapag. Ang buong sahig ay red carpet. Sa mga dingding nito ay may mga nakadikit na naglalakihang mga larawan ng magkambal. Naiisip ko kung gaano kayaman ang pamilya nila Jyl. Hindi lang naman sila mayaman kundi makapangyarihan din ang angkan nila pero kung gaano man sila kayaman o kung gaano kalaki ang tinitirhan nila hindi na maaalis ang pangungulila nila kila auntie Hanna at kay Tomoyo kaya parang wala lang din para sa kanila kung anong yaman man meron sila ngayon.
Nadaanan ko ang kwarto ni Tomoyo at nakita kong nakaawang ng kaonti ang pinto ng kwarto niya. Lumapit ako roon at isinara ko ito. Naglakad na ako derecho sa kwarto ni Jyl.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya.
"Insan?" Tawag ko sa kanya pagpasok ko.
Nilibot ko ang buong kwarto niya ngunit hindi ko siya makita.
Shit!
Dumerecho ako sa CR ng kwarto niya ngunit nakailang katok na ako wala namang sumasagot.
"Jyl?" Tawag ko ulit at dumerecho pa ako sa walk in closet niya pero wala rin naman siya.
Dumerecho ako sa balcony na narito sa kwarto niya baka sakali na nandun lang siya at nagmumukmok.
"Jyl?" Pero wala rin siya.
Shit! San na naman kaya nagpunta iyon?
Sa mga ganitong pagkakataon na nawawala siya alam ko naman na hinahanap niya na naman si Lance. Tss!
Dali dali na akong lumabas ng kwarto niya. Paglabas ko ay siyang papasok naman ng isang kasambahay. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niya akong nasa loob ng kwarto ni Jyl saka mabilis na yumuko bilang paggalang.
May dala dala itong tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Magandang umaha ho senyorito/Nakita mo ba si Jyl?" Sabay pa naming sabi sa isa't isa.
"Hindi po senyorito, bakit po wala na naman po ba siya? Nandito nga po ako para ibigay sa kanya itong pagkain niya. Kagabi pa po kasi siya hindi kumakain." Sunod sunod na sabi nito. Tumango nalang ako at tinalikuran ko na siya.
San na naman kaya nagpunta ang isang yun. Tss!
Dali dali na akong naglakad para hanapin si Jyl nang muli akong mapatingin sa kwarto ni Tomoyo nang makarinig ako ng isang musika. Ang musika pang iyon ay ang paboritong patugtugin ni Tomoyo.
Pumasok ako sa loob at nabungaran ko si Jyl na nasa couch at nakatulalang nakadapa ito habang nakataas pa ang isang paa nito. Tila ba pinapakinggan lang nito ang musika. Nasa palibot nito ang mga paboritong bear ni Tomoyo at iilang unan.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...