CHAPTER 33: ATTITUDE

38 2 0
                                    

ARKISHA POV

"Again, what is the difference between physics and mathematics?"

Pang-uulit na naman na tanong ni teacher Sasha kay Jade.

Actually, pangatlong beses na niyang tinatanong 'yan kay Jade. Same question. Parang sirang plaka na nga 'yung naririnig ko sa bibig niya. Paulit-ulit lang kasi 'yung tanong niya.

Well, I can't blame her either. Halata naman kasing hindi talaga nakikinig si Jade sa kanya.

Just like before, Jade has still nothing to do with this class. She just writes constantly in her chair. Wala talaga siyang ibang inaatupag kundi magsulat lang nang magsulat sa klase. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong hindi talaga siya nakikinig sa lahat ng guro na nagsasalita sa amin sa harapan dahil palagi lang talagang nakatungo ang ulo nito sa kanyang upuan at kamay lang nito ang palaging gumagalaw dahil palagi lang itong nagsusulat doon. Paminsan-minsan naman eh nakikipag-usap naman siya sa kaibigan niyang nasa tabi niya na si Lizanna pero sobrang dalang nun.

'Yung hindi naman siya nakikinig at halata namang hindi rin siya interesado sa lahat ng klase pero ang dami niya pa ring nasasagot.

Ganoon siya katalino.

At kahit hindi naman kami masyadong close ni Jade, iyon talagang ugali niyang iyon ang iniidolo ko sa kanya---'yung pagiging matalino niya pero kung mayroon pa mang natitirang ugaling mayroon siya, wala na akong gusto roon. Masyado siyang mailap sa mga tao, bagay na ayaw ko sa isang tao.

Hindi naman sa galit, naiinis o ayaw ko kay Jade, sadyang hindi ko lang gusto kung paano niya ituring ang isang tao sa harapan niya. Napakawalang emosyon niya, bagay na malayong-malayo sa akin.

Pagngisi lang ang pinakawalan ko habang nakatingin pa rin kay Jade.

Ibang klase!

'Yan lang naman ang kapangyarihan ng isang presidente sa buong senior at kamag-anak ng may-ari nitong Hellena na kinakatakutan ng lahat.

Except for me.

Hindi ako natatakot sa kanya dahil para sa akin pare-pareho lang kaming mga estudyante rito at wala namang dahilan para katakutan ko siya.

Walang nagbago sa mukha ni teacher Sasha. Napakalawak pa rin nang pagkakangiti niya kay Jade na akala mo hindi kabastos-bastos sa part niya 'yung ginagawa ni Jade kanina pa. Mukhang nasisiyahan pa nga siya.

Abnormal talaga.

Pero kung ako man ang magiging guro, kabastusan tong ginagawa ni Jade sa akin ngayon. Kung ako man ang nasa sitwasyon ng wirdong guro na 'to, hindi ko ito palalampasin.

"They are completely different." Pabalang na sagot ni Jade habang nakatungo pa rin sa upuan nito.

Hindi ko man lang nakitaan nang pagkainis sa mukha si teacher Sasha dahil sa pagsagot na iyon ni Jade samantalang ako inis na inis na ako rito sa inuupuan ko dahil sa paulit-ulit lang na lumalabas sa mga bibig nila.

"I'm not asking if they are different or what. I'm asking if WHAT is the difference---."

"---Mathematics is about abstract quantities, where as physics is concerned with understanding the physical universe. Oftentimes in physics, the system are abstracted into models to be studied and that process involves mathematics and my 'answer' to your 'next question' is 'they are completely different." Sunod-sunod na sagot nito kay teacher Sasha habang nakaangat na ang ulo. Ni hindi na niya pinatapos ang kaninang sinasabi ni teacher Sasha.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon