CHAPTER 18: FIRST VICTIM

137 37 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nagising si Arkisha dahil sa malakas na tunog ng bell. Ang bell na iyon ay hudyat na kailangan na nilang gumising sa umaga.

Nagpupungay pungay itong kinukuskos kuskos ang kanang mata nito habang bumababa sa kama niya. Isa isang tiningnan ni Arkisha ang mga kasamahan nito. Nakita nga nito na nakahiga pa rin ang mga ito at mahimbing pa rin na natutulog kahit na napakalakas ng tunog ng bell na naririnig ng dalaga.

"Mga tulog mantika talaga." Napapailing na lang ang dalaga habang kinakausap nito ang sarili.

Iniisip kasi nito na baka sobrang napagod lang ang mga kaklase nito dahil sa pagdiriwang na naganap kahapon pero agad din naman itong napabusangot nang maisip nitong kahit naman walang pagdiriwang na nagaganap, lagi pa rin silang tinatanghali ng gising.

Napadako ang tingin ni Arkisha sa higaan ni Sashiko. Ang higaan nito ay nasa ibaba lang ng kama niya ngunit yun pa ang pinakahuli niyang napansin dahil sa nakatalikod na nga ito kanina sa higaan ni Sashiko. Nang muli nga itong humarap ay napagtanto niyang wala na nga roon ang kaklase niya.

"Nauna pa siyang nagising sa akin ha?" Hindi makapaniwalang saad nito sa sarili saka humugot na malalim na paghinga bago sumigaw.

"Hoy ano, tulog mantika pa rin kayo! Masusunog na't lahat lahat itong Hellena, natutulog pa rin kayo dyan." Ubod ng lakas nito kasabay pa ng bell na tumutunog pa rin.

Sakto na nawala ang pagtunog ng bell saka naman nagising ang mga kasamahan nito at dahil na rin sa malakas na sigaw ng dalaga.

"Gosh Arkisha! You're so nakakainis naman. Can you just please lower down your boses? It's too early pa kaya." Tila tinatamad tamad pang magsalita ni Hershey. Nakaupo na ito sa higaan niya.

Ang higaan niya ay nasa itaas din, kaharap ng higaan ni Arkisha kaya naman dumungaw pa paitaas si Arkisha para makita ang maarteng kaklase.

"Pwede ba Hershey, magsipilyo ka na nga nang dumerecho naman yang pananalita mo." Tila naiiritang saad ni Arkisha saka ito naglakad na patungo sa CR upang maligo.

Tila naman nagising nang tuluyan si Hershey nang marinig niya iyon sa kaklase.

"Nahh, I don't have bad breathe kaya." Inis na turan nito saka kinuha ang nakaipit na maliit na salamin sa ilalim ng unan nito saka tiningnan ang mukha nito sa salamin.

Natatawa na lang si Lizanna habang nakatingin lang ito kay Hershey. Cute na cute kasi ito kay Hershey kahit na madalas maarte ito at napakamaldita. Cute na cute ito sa kaklase lalo na kapag naririnig nito ang mga conyo nitong mga salita.

Ang higaan nito ay nasa itaas ng higaan ni Jade, na katabi ng higaan ni Sashiko.

"Good morning, Hershey girl." Masayang bati nga ni Lizanna kay Hershey.

Napatigil sa pagtingin sa hawak na salamin si Hershey nang marinig niya iyon. Ang kaninang nakangiting mukha nito habang sinusuri ang magandang mukha sa hawak na salamin ay napalitan agad nang pagtaas ng isang kilay nang lumingon ito kay Lizanna.

"Talk to my precious hair." Maarteng saad nito na sinamahan pa ng pag-irap ng mga mata at pagflip ng mahabang buhok nito.

Natawa lang si Lizanna sa inasta ng kaklase. Sanay na kasi ito sa pagmamaldita nito kaya parang wala na lang sa kanya kahit na taray tarayan pa siya nito ng paulit ulit.

Habang naiirita naman na tumayo si Sakura saka dumerecho sa sofa para doon naman ito humilata. Naiirita ito dahil ang aga aga puro walang kwenta na kaagad ang mga naririnig nito rito sa kwarto nila.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon