JACE POV
Kasalukuyan kong binabagtas ang napakahabang pasilyo patungo sa kwarto ni Jyl. Pero gaya noon, hindi ko na naman siya naabutan sa kwarto niya.
"Sorry po talaga senyorito hindi ko na naman siya napigilan." Paghingi ulit ng paumanhin ng kasambahay nila Jyl sakin. Tumango lang ako sa kanya at pumasok sa kwarto ni Jyl.
Mula nang nagtapos kami sa Hellena ay hindi man lang nabago ang itsura ng kwarto niya. Malinis naman ito dahil araw araw ito nililinisan ng mga kasambahay ni Jyl kahit na araw araw, gabi gabi ay palagi itong wala sa palasyo.
Nilibot ko ang buong kwarto ni Jyl. Napakalaki ng kwarto niya ngunit tila ba napakalungkot sa kwartong ito. Naalala ko tuloy bigla si Tomoyo, siya lang naman ang tanging nagpapaingay dito sa kwarto ni Jyl at sa buong palasyo.
Sa paglilibot ko sa kwarto ni Jyl ay napadako ang tingin ko sa bagay na nasa ibabaw ng study table niya---ang hair clip ni Jyl. Kinuha ko iyon at tinitigan.
"Anong nangyari sayo insan?" Pag-aalalang bungad ko kay Jyl at mabilis na lumapit sa kanya.
May hiwa kasi siya sa mukha niya at umaagos pa ang dugo niya mula roon. Tumingin lang sakin si Jyl na hindi naman sinagot ang tanong ko. Sumulpot naman bigla sa likuran niya si Lance habang hawak hawak nito si Shannel.
"Hayup kayo! Anong ibig sabihin nito?" Bungad ni Shannel nang makita niya kaming magkakasama. Ako, si Jyl, si Lance at si teacher Flloyd.
Nandito kami sa basement na nasa main building. Dito ang kuta namin at oo traydor kami ni teacher Flloyd. Traydor kami sa grupong ako mismo ang nagbuo. Kailangan naming magpanggap ni teacher Flloyd para mahuli namin ang mga taong nagpahirap kay Tomoyo.
Bumaling ang tingin sakin ni Shannel. Tiningnan niya ako ng masama na tila ba gusto niya akong patayin sa tingin niyang yun.
Hindi ko alam kung bakit narito si Shannel, kung bakit bihag nila Lance at Jyl si Shannel dahil wala naman ito sa plano namin.
"Alam mong wala akong kinalaman sa klase ng pinsan mo Jace kaya anong ibig sabihin nito?" Kitang kita ko ang takot at pagtataka sa mukha ni Shannel habang derecho lang siyang nakatingin sakin.
"Arrrrgh!" Sigaw ni Shannel nang sabunutan siya ni Jyl.
"Tatahimik ka o ako mismo ang magpapatahimik sayo ha?" Sabi ni Jyl habang hatak hatak nito ang buhok ni Shannel.
Kinaladkad ni Jyl si Shannel at ipinaupo sa sahig kasabay ng pagtali nito sa mga paa at sa mga kamay nito. Nakatingin lang kami sa ginagawa ni Jyl. Kahit ano kasing gustuhin niya ay gagawin niya kaya alam kong kahit alam niyang gusto ko si Shannel ay hindi niya rin ito papalagpasin.
"Teka akong gagawin mo sakin? Papata---" Hindi na natapos pa ni Shannel ang sinasabi niya nang patamaan siya ni Jyl ng baril sa balikat nito.
"Fuck you Nishikawa!" Galaiti na sigaw ni Shannel habang masama ang tingin niya kay Jyl. Dahan dahan naman siyang bumaling sakin. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mukha niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Sa balikat niyang duguan na ngayon. Wala akong lakas ng loob para tulungan siya. Pero mas wala akong lakas ng loob para pigilan si Jyl sa pupwedeng gawin niya sa kanya.
Gusto ko si Shannel pero mahal ko ang pinsan ko. Kaya kahit anong gustuhin nito ay sinusunod ko.
"I'm sorry Shan." Paumanhin ko kay Shannel pero isang masamang tingin ang sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...