CHAPTER 23: CURIOUSNESS

129 35 0
                                    

CHANDARA POV

Miss Sasha Nam?

Isa lang ang pumasok sa isip ko nang makita ko siya...

Si teacher Lexy.

Ang mga ngiti niya sa aming lahat. Ang mga tingin niya sa aming lahat. Ang bawat pagkislap at pagkurap ng mga mata niya. Ang bawat pagtitig niya sa amin, parehas kay teacher Lexy.

Parang muling nabuhay si teacher Lexy sa katauhan niya.

Tiningnan ko ang lahat ng kaklase ko, lahat sila mga tahimik sa kani-kanilang upuan at nakatulala lang kay teacher Sha.

Parang dati lang, ang tahimik naming lahat kapag nakatayo sa harapan ang dating guro namin. Hindi kami gumagalaw sa kanya kanyang upuan namin kapag oras ng klase namin kay teacher Lexy. Katulad ng dati, tila mga anghel ang mga kaklase ko.

Siya lang naman ang kaisa-isang guro na hindi takot sa section namin. Siya lang ang nag-iisang guro na kinalaban ang buong klase namin. Siya lang naman yung isang guro na nagpatino sa amin. Siya lang naman yung nag-iisang guro na kinakatakutan at inaayawan namin noon. Sa sobrang takot at ayaw namin sa guro na iyon ay gusto namin siyang mawala. Gusto namin siyang mawala rito sa Hellena kaya palaging gumagawa ng kalokohan ang karamihan sa mga kaklase ko para mapaalis lang siya rito, isa na nga ako roon pero hindi ko alam kung bakit namatay si teacher Lexy. Hindi ko alam kung sino ang pumatay sa kanya.

Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko. Ang tahimik nilang lahat. I'm just wondering kung ang iniisip ko ba ay parehas ng iniisip nila? Na iniisip rin nila si teacher Lexy. Na nakikita rin nila si teacher Lexy sa katauhan ni teacher Sha.

Napatingin ako kay Jade, bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi niya rin siguro kilala ang magiging bagong advicer namin ngayon dahil kung alam man niya edi sana nasabihan na niya kami kanina pa lang na may bago kaming advicer at kung sino ito pero nababasa ko sa mukha niya na wala siyang nalalaman.

Napatingin ako kay Stanley, nakatingin lang din siya kay teacher Sha. Parang kinikilatis niya ang bago naming advicer. Maya maya, ibinaling niya ang tingin niya kila Vonn at Sashiko na nasa kabilang dulo na hilera ng row nila kaya napatingin din ako roon. Salubong ang kilay niyang nakatingin kila Vonn.

Nakatalikod si Vonn, nakaharap siya kay Sashiko kaya hindi ko alam kung anong tinitingnan doon ni Stanley. Nang muli akong tumingin kay Stanley, nakatingin pa rin siya kila Vonn pero iba na ang reaksyon niya. Kung kanina salubong ang kilay nito ngayon naman, nanlilisik ang mga mata nito.

Bakit kaya?

Tumayo si Stanley at nagsimulang maglakad. Nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita si teacher Sha kaya napatingin ako sa kanya.

"Where are you going, Mr. Stanley Smith?"

Nakatingin lang ako kay teacher Sha habang naramdaman ko ang mga kaklase kong sabay sabay na tumingin sa likuran kung saan nandoon si Stanley.

"Kilala niya si Stanley?"

"Magkakilala kaya sila?"

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko at katulad nila, iyon din ang gusto kong itanong.

"Go back to your sit, Mr. Smith." Napakalapad pa rin ng ngiti ni teacher Sha.

Muli akong tumingin kay Stanley, nakatayo lang siya, ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng pocket ng pants niya habang nakatingin lang kay teacher Sha.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni teacher Sha, naglakad pa rin siya papalabas ng classroom namin.

Dalawang dahilan lang naman kung bakit lumalabas si Stanley kapag oras ng klase, iyon kapag naiingayan siya sa mga kaklase namin o kaya kapag naiirita siya. I think I choose the second option kasi hindi naman maingay ngayonv sa klase pero saan o kanino naman siya maiirita?

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon