AKEMI POV
Last subject na namin pero wala pa naman kaming teacher kaya naman tumambay muna ako rito sa tapat ng classroom namin, sa hallway to be exact. Lumabas ako dahil ang ingay sa loob, ay hindi---napakaingay sa loob.
Galing ako sa Class F at ginusto kong magpalipat sa Class A sa tatlong dahilan. Una dahil, hinahangaan ko ang section na iyon. Hinahangaan ko sila dahil Class A lagi ang nangunguna pag dating sa ranking dito sa Hellena. Pangalawa, hinahangad ko ang section na iyon. Pag nasa Class A ka kasi, section mo ang pinakasikat sa lahat ng section at isa ka sa pinakasikat na estudyante rito sa Hellena pag nasa Class A ka at pangatlo dahil, kinaiinggitan ko ang section na iyon.
Naiinggit ako dahil ang ugali ng mga estudyante ng Class A ay naaayon sa section nila---sa pinakamataas na section.
Nagpalipat ako dahil gusto kong maging isa sa kanila. Gusto kong hangaan din ako ng ibang estudyante, gusto kong hangarin din nila kung anong meron ako kapag nasa Class A na ako at higit sa lahat gusto kong kainggitan nila ako dahil isa na akong estudyante ng Class A---ang pinapangarap ng lahat.
Block section ang sectioning namin dito sa Hellena pero may kakayahang magpalit ng section ang mga honor students kung gugustuhin lang naman nila. Ako ang first honor sa section namin---sa Class F. Tatlong taon akong nanguna sa klase. Sa loob ng tatlong taon, nagpursigi akong mag-aral nang sa gayon may kakayahan akong magpalipat sa section na gusto ko which is ang Class A.
Lagi ko lang pinagmamasdan ang mga estudyante ng Class A mula sa malayo. Masyadong mataas ang paghanga ko sa kanila dahil sa ipinapakitang ugali nila. Pagnagkakaroon kami ng kahit anong pagpupulong kasama ang buong section ay nakikita ko kung gaano kasaya ang mga estudyante ng Class A. Tila ba pamilya ang turingan nila sa isa't isa.
Sila yung mga estudyante na matatalino, mababait, masasaya, tahimik, puro aral lang at matitino pero ngayong isa na akong estudyante ng Class A, lahat ng nakita ko sa kanila ay kabaligtaran kapag nasa loob na sila ng klase.
Hindi sila kung ano man ang nakita ko o inakala ko noon dahil ibang iba pala sila kapag nasa loob sila ng klase. Sila yung mga estudyante na walang modo, walang galang, walanghiya, mahilig sa gulo, bastos, patapon at higit sa lahat para sa akin, sila yung mga estudyante na walang kwenta.
Sa sobrang inggit ko sa section nila kaya naman nagpalipat ako---na hindi ko na sana ginawa pa.
Lumingon lingon ako sa paligid. Maraming estudyante ang nagkalat dito sa hallway ang iba na nga dun ay mga kaklase ko, ang mga bago ko ng kaklase.
"Grabe nakakagulat talaga sila."
Napalingon ako nang marinig ko iyon. Nakita ko si Aldrin at Drew na nasa tapat rin ng classroom namin, nakatalikod sila sa akin pero nakilala ko pa rin naman sila.
Mga kaklase ko sila noong nasa Class F pa ako at kagaya ko nagpalipat rin sila sa Class A. Si Aldrin ang 2nd honor samin habang si Drew naman ang 3rd honor.
Base sa narinig kong pinag-uusapan nila tila ba nagtataka rin sila sa mga ugali ng mga estudyante ng Class A na kaklase na namin ngayon. Katulad ko marahil ay nagsisisi rin sila kung bakit ba nagpalipat pa kami ng section.
"Jaxon~"
Mabilis akong lumingon sa likuran ko nang may tumawag sa apelido ko---si Jade. Nabosesan ko siya at alam ko naman na siya lang ang mahilig tumawag ng apelido sa amin. Kasama nito si Lizanna na nag hi sa akin.
Ngumiti lang ako kay Lizanna saka mabilis na bumaling ulit kay Jade. Magtatanong pa lang sana ako kung bakit niya ko tinawag pero nagsalita na rin naman ito.
"Bakit nandito ka sa labas?" Kalmadong tanong niya sa akin. Ilang segundo muna akong nakatingin lang sa kanya.
Napakalamig talaga ng pakikitungo niya. Tama nga sila, mas nakakatakot kausapin si Jade sa malapitan. Napakacold kasi ng mga mata nito at wala ka talagang mababasang emosyon sa mga mata niyang iyon. Napakailap niya sa mga tao. Nakakatakot tuloy siyang iapproach dahil may posibilidad na mapahiya ka lang sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...