SOMEONE POV
Nandito ako sa hide out namin kasama si Cyrus at kanina pa ako naririndi dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw at pilit na kumakawala sa pagkakagapos niya.
Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatali ang buong katawan niya.
Sinundan ko siya kanina nang makalabas siya sa classroom namin at dere-derechong bumaba. Mukhang lalabas siya ng main building at dederecho sa dormitoryo namin sakto na wala namang estudyante na pakalat kalat sa unang palapag kung saan ko na siya pinukpok sa batok niya na nakapagpawala ng malay niya saka ko siya dinala rito sa hide out.
"Hayup ka! Pakawalan mo ko rito." Paulit ulit na sigaw niya pero hindi ko naman siya pinakikinggan.
Ilang sandali, narinig kong bumukas ang pinto kaya naman lumingon ako roon baka sakali na si Alas na iyon pero nadismaya ako nang hindi siya ang pumasok kundi ang isang kamahan namin.
"San ka galing?" Tanong ko sa kanya.
Akala ko kasi kanina, maaabutan ko siya rito dahil nauna siyang lumabas ng classroom namin kaysa sa akin yun pala wala pala siya rito. Sabagay palagi naman kasi siyang nawawala wala.
Nakita kong pilit na lumilingon si Cyrus para alamin kung sino itong pumasok. Nakatalikod kasi siya sa may pintuan kaya hindi niya makilala kung sino ba yung pumasok.
"Kumain." Tipid na sagot nito saka lumapit kay Cyrus at mabilis niya itong binatukan.
"Fuck you!" Daing ni Cyrus.
Napatawa tuloy ako sa itsura niya nang masamang tingin ang ibinigay niya sa kanya.
"Bakit hindi mo pa siya pinapatay?" Tanong niya habang nakatingin lang naman siya kay Cyrus.
Nakatayo siya sa harapan ni Cyrus.
"Mamaya na. Catch." Hagis ko sa kanya ng isang kaha ng sigarilyo. Nasalo niya naman iyon.
Kumuha siya ng isang stick at sinindihan iyon saka niya muling hinagis pabalik sa akin yung kaha ng sigarilyo. Nakatayo lang siya habang nagsisigarilyo na nakatingin lang kay Cyrus.
CYRUS POV
Masamang tingin lang ang ibinibigay ko sa kanya. Hayup siya! Demonyo! Mamamatay tao.
Kanina pa ako nagmumura sa isip ko dahil wala naman akong magawa kundi ang maghintay lang sa nalalapit na kamatayan ko.
Bakit ba nila ako papatayin? Ano bang motibo nila?
Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nagsisigarilyo. Sunod sunod ang paghithit buga niya sa sigarilyong hawak niya. May idea na ako kung bakit niya o nila ito ginagawa. Na napansin ko na yung nagkakaroon ng mga ace card sa klase namin ay yung mga kaklase namin na sangkot sa pagpapahirap noon kay teacher Lexy. Iniisip ko na marahil sila ang nagbibigay sa klase namin ng walang kwentang ace card na iyon pero itong dalawang lalaking kasama ko sa kwartong ito, ano bang connection nila kay teacher Lexy? Dahil sa pagkakatanda ko hindi namin sila kasama noong pinahirapan namin si teacher Lexy. Hindi sila sangkot sa ginawa namin noon pero ano nga bang motibo nila kung bakit sila pumapatay?
Nilabas niya ang usok sa hithit hithit niyang sigarilyo saka ngumisi sa akin. Ngisi, katulad ng isang demonyo tila ba nang-aasar pa siya sa akin dahil sa ngisi niyang iyon. Napakuyom ang dalawang kamao ko na nasa likod ko dahil sa inis na wala akong magawa para sugurin siya at patayin ko rin siya bago niya pa lang ako mapatay.
Naglakad siya papunta sa likuran ko kaya hindi ko alam kung saan ba siya magtutungo. Hindi ko rin alam kung ano bang gagawin niya habang yung isang kasamahan niya ay nakaupo lang sa sofa kung saan nakaharap lang din sa akin. Nakangiti siya sa akin. Yung ngiti na lagi niyang ipinapakita sa klase namin. Yung ngiti na palagi niyang suot sa mukha niya. Yung magandang ngiti na alam kong hindi totoo dahil sa kaloob looban niya, isa pa rin siyang mamamatay tao.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...