CHAPTER 32: NERVOUS

62 8 7
                                    

SASHIKO POV


Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pagtingin nila sa akin ngayon---ng mga taong nakakasalubong ko.

Hinuhusgahan nila ako sa pamamagitan ng masasamang tingin nila. Mga kakaibang mga ekspresyon mula sa mga mukha nila na hindi ko maintindihan.

Mga tingin na may halong pandidiri, pagtataka, pangamba at takot ang nagmumula sa kanilang mga mukha ngayon.

"What happened to her?"

"Nawala siya ng isang buong araw. Saan siya galing?"

"Hindi kaya, siya talaga 'yung pumapatay?"

"I told you, there's something about that transferee."

"I knew it, she's the killer."

Mga bulugan na hindi ko iniintindi at hindi ko rin naman maintindihan. Mga mapanuring mga tao.

Panandalian akong huminto sa paglalakad at tumingala sa kalangitan. Pumikit at dinama ang sinag ng araw na tumatama sa buong mukha ko. Saglit kong dinama ang tirik na tirik na araw.

Ilang segundo akong nakapikit bago dumilat at saka pinagmasdan ang buong kalangitan habang naririnig ko pa rin ang ilang estudyanteng nagbubulungan sa paligid ko.

Mula nang makalabas ako sa main building at hanggang ngayong papunta ako sa dormitoryo namin ay ganoon pa rin ang naririnig kong bulungan nilang lahat para sa akin.

Hindi ko inintindi ang lahat ng iyon dahil mas gusto kong pagmasdan ang bughaw na kalangitan.

I really missed them. Kamusta na kaya sila?

I signed.

Huminga ako ng malalim bago muling maglakad patungo sa dormitoryo namin.

Walang pagkakaiba ang dalawang guwardyang nagbabantay dito sa iilang estudyanteng nakasalubong ko kanina. Parehas din ng mga eskpresyon nila at nakuha pa nila akong pigilang pumasok sa loob ng dormitoryo namin.

"Miss, anong nangyari sayo? Ba't ganyan ang itsura mo?"

Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ko sila sinunod at sinagot sa tanong nilang iyon sa akin.

Dere-derecho lamang akong naglakad papasok at hindi inintindi ang pagsuway nila sa akin. Hindi na rin naman nila ako pinigilan pa nang makalampas ako sa kanila.

Weird!

Ano bang nangyayari sa mga tao?

Nasa ganoon akong pag-iisip nang may isang estudyante ang nagmamadaling maglakad at hindi niya ata napansin na sa direksyon ko siya papunta.

Nagkabungguan ang mga balikat namin.

"Sashi?!"

Tarantang pagkukumbinsi ni Stacey sa sarili niya kung ako ba talaga ang nakikita niyang nasa harapan niya ngayon.

"Is that you?" Bahagya pang nakatabingi ang kanyang ulo at sinisilip ang kabuuan ng mukha ko.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon