CHAPTER 10: FIRST TIME

185 42 7
                                    

STANLEY POV

I am now walking in the hallway. Every girls shouting my name but of course I just ignored them. I'm just not the type of man na pagtutuunan ng pansin ang mga walang kwentang babae. I really don't like girls. They were so annoying, too plastics, others simply famewhore that's why I don't bothering talking to them.

"Stanley." I heard someone shouting my name as well kaya napahinto ako sa paglalakad ko kasabay nang tilian ng mga babae para sakin.

Hinihintay ko lang siyang makalapit siya sakin at ganun din ang ilang estudyante. Naramdaman ko na ngang nasa likuran ko na siya. Naglakad pa siya papunta sa harap ko mismo at nahihiyang nag hi sakin.

"What now?" I responded quickly. Gaya sa ibang babae, yumuko din siya dahil sa pagkapahiya niya sa harapan ko pero malakas ang loob ng isang to.

Kahit napahiya ko na siya dahil sa pagtrato ko sa kanya nanatili pa rin talaga siyang nakatayo sa harap ko. Nakangiti siyang nahihiya sakin habang nasa likuran nito ang dalawang kamay niya tila ba may hawak hawak siya roon at tinatago niya ito sakin pero maya maya lang din ay inilabas niya ito at inilahad sa harapan ko.

"For you Stanley, ako nagbake niyan. Sana magustuhan mo." Nahihiyang sabi niya kasabay nang pamumula ng mukha niya.

Nakalahad sa harap ko ang isang chocolate cake na heart shape at may pangalan ko pa. Kinuha ko ang chocolate cake na iyon. Nahawakan ko ang kamay niya at nanginginig ito. Mas lalo siyang nagpanic nang kunin ko nga ang chocolate niyang ibinibigay niya sakin.

"Gosh~ tinanggap ni Stanley. Ang swerte naman niya."

Bulong bulungan ng ilang kababaihan sa paligid ko. Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi ko siya kaklase at hindi ko alam kung sino siya. Wala rin naman akong balak na alamin pa yun. Napakalapad ng pagkakangiti niya sakin ngayon at magsasalita na sana siya ulit pero inunahan ko siya agad.

Mabilis kong inilapat ang chocolate cake na iyon sa pagmumukha niya.

"Aww."

"Buti nga sa kanya ang lakas kasi ng loob e."

"Kawawa naman siya."

Nagsimulang mag-ingayan na naman ang mga estudyante pero wala naman akong pakialam dun. Ipinahid ng babaeng nasa harapan ko ngayon ang mukha niyang puno ng chocolate cake. Gulat at takot ang nanaig sa mga mata niya habang nakatingin lang siya sakin.

"I don't care about that piece of shit." Kalmadong sabi ko sa kanya at nagsimula na kong maglakad. Nagawa ko pa siyang bungguin dahil sa inis ko sa ginawa niyang pag-approached sakin.

"Wait Stanley hindi mo ba gusto ang chocolate cake? I will make a new one kahit marami pa just for you." Sunod sunod na sabi niya at sa sobrang lakas talaga ng loob niya para harapin ako ay nagawa niya pa akong pigilan nang lagpasan ko na siya.

Mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Sa sobrang lakas ng tabig ko sa kanya ay napaupo pa siya.

"Get away from me, stupid." Madiin na sabi ko tsaka ako tuluyang naglakad.

"Hey bro~" Narinig ko ang pagtawag ni Klarrence sakin. Alam kong kasunod niya na rin sina Lucky. Nauna kasi akong lumabas sa kanila sa klase namin kanina.

"Sayang naman yung chocolate cake." Klarrence said as soon as nakalapit na siya sakin, kasama sila Lucky.

"Edi sana pinulot mo." Sagot ni Lucas.

Hindi ko nalang sila inintindi.

Dumerecho kami sa cafeteria at gaya ng dati ingay ng mga kababaihan ang bumungad samin pagpasok na pagpasok palang namin.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon