CHAPTER 2: HENNA JYL NISHIKAWA

470 56 7
                                    

Tumigil ang sinasakyan kong sasakyan sa tapat ng isang napakataas na tarangkahan kung saan may isang babae at isang lalake ang nakatayo mula roon.

"Ate Jyyyyyyl~" Masayang bati sakin ng kakambal kong si Jin nang makalabas ako sa sasakyan at sinugod pa niya ako para yakapin.

Kahit ilang buwan ko siyang hindi nakita dahil nga mas pinili niyang mag-aral dito sa Hellena ay wala pa rin naman akong naging reaksyon sa kahyperan niya dahil sanay naman na ako. Ang hindi lang ako sanay ngayon ay kung bakit may kasa-kasama siyang lalake.

Nakatingin lang ako sa lalakeng nakatayo sa tapat ng tarangkahan habang yakap yakap pa rin ako ni Jin. Nakangiti sakin yung lalakeng yun pero isang irap ang ibinigay ko pabalik sa kanya tsaka ako bumaling sa kakambal ko.

"Nasan si Chichi? Pinatawag mo ko kay Chichi pero wala naman siya dito." Mahabang litanya ko kay Jin. Kumalas na siya sa pagyakap sakin kaya naman magkaharap na kami ngayon.

"Ate Jyl naman. Mas namiss mo ata si Chichi kesa sakin e." Gusto kong matawa sa itsura ni Jin dahil nakapout na naman siya pero mas gusto ko nalang na sarilinin iyon.

Tinawag ni Jin yung lalakeng kasama niya at lumapit ito samin nang nakangiti. Ipinakilala niya sakin yung lalakeng iyon.

Flloyd Nacu

Napag-alaman kong advicer niya ito at malapit ng maging karelasyon. Ewan ko kung ano ang tawag sa kanila, marahil ay M.U, malay ko ba dun. Tsk!

"I'm Flloyd, nice to meet you." Nakangiting bati niya sa harap ko sabay inilahad niya sa harap ko ang kamay niya para makipagshake hands.

Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa harap ko at wala naman akong balak na makipagshake hands sa kanya. Ilang segundo ay ibinaba niya rin yung kamay niya nang marealize niyang wala nga akong balak makipagshake hands sa kanya habang hindi man lang naalis ang pagkakangiti niya sakin kanina.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tinatamad akong elaborate siya pero bata pa naman siya. Marahil ay mas matanda siya ng apat na taon sa amin ni Jin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang si Jin sa tabi ko ay hawak hawak ang kamay ko na tila ba pinapatigil na niya ako sa pagkilatis ko sa Flloyd na to pero kahit ilang beses niya pa ipakilala sakin yung lalakeng yun ay isa lang rin naman ang sagot ko.

"Ayoko sa kanya." Walang ganang sagot ko kay Jin sabay baling ko sa kanya.

"Ate Jyl naman." Pagmamaktol niya agad kasabay ng pagpout niya sa harap ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Flloyd pero wala naman akong pakialam sa kanya.

"Jin wag ng makulit." Saway ko sa kakambal ko habang hinawi ko pa ang buhok niya papunta sa tenga niya. Muli, isang pout na naman ang ibinigay niya sakin.

Dahil wala naman akong pakialam sa pagpapakilala niya sakin sa Flloyd na yun ay kaya naman pinapasok ko na agad siya sa loob, sa eskwelahan nila. Isang yakap muli ang natanggap ko kay Jin bago siya tuluyang pumasok sa eskwelahan nila kasabay ng Flloyd na yun.

Pinagmamasdan ko lang ang likuran ni Jin habang naglalakad siyang papalapit sa napakataas na tarangkahan. Nang nasa harapan na sila ng tarangkahan ay kusa itong bumukas. Bago siya pumasok sa loob ay lumingon muna siya sakin---

"Bye ate Jyl ko." Masayang sabi niya habang kumakaway kaway pa siya sakin. Wala naman akong naging reaksyon sa sinabi niya habang si Flloyd ay nakangiti pa rin sakin tsk!

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon