CHAPTER 5: PAREKOY

399 56 4
                                    

Pagkatapos ng walang kwentang mensahe ng Presidente at ng Head Mistress na hindi ko naman inintindi ay pinalabas na kami sa conference room at pinapunta na kami sa kanya kanya naming mga klase.

Isa isang lumabas ang mga estudyante kasabay nang pagdadaldalan nila sa bawat isa. May mga tumatawa, may mga nagsisigawan na animo'y nasa parke lang sila, may mga malalakas ang boses, may mga kinikilig kilig pa at may mga nagtutulakan pa pero hindi kabilang ang mga kaklase ko sa mga estudyante na iyon.

Tahimik lang akong nakasunod sa mga kaklase kong tahimik din na naglalakad papalabas dito sa conference room. Sa Class A ako napunta kaya naman inaasahan ko na na ganito katahimik at kababait ang mga magiging kaklase ko. Mukha naman na hindi ako mahihirapan na makisalamuha sa kanila.

Tiningnan ko isa isa ang mga kaklase ko. Hinahanap ko kasi ang bestfriend ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Napadako ang tingin ko sa isang kaklase ko---siya yung karoommate kong palaging nakatingin sakin.

Gaya kahapon na pagkarating ko rito at gaya kanina, nakatingin na naman siya. Ganun pa rin ang bawat pagtingin na ibinibigay niya sakin. Para bang pilit niyang inaalam kung sino ba ako. Nawaglit lang ang tingin niya sakin nang hatakin na siya papalabas ng katabi niya.

Nakalabas ako ng conference room kasabay ng mga kaklase ko at dun ko nga lang sila narinig na magsalita. Base sa kanila magtutungo raw muna sila sa cafeteria dahil nga may 30 minutes break muna kami bago magpatuloy sa unang klase namin ngayong araw na ito. Minabuti ko munang humiwalay sa kanila tutal alam ko naman na kung saan ang classroom ko. Sa ngayon, may dapat lang akong puntahan.

Lumabas ako ng main building at nagtungo ako sa dormitoryo ng mga kalalakihan. Dumerecho ako sa ikalawang palapag kung saan naroon ang dating opisina ni ama. Kakatukin ko pa lang sana ang pinto nang bigla itong bumukas.

"Anong maipaglilingkod ko sayo iha?" Nakangiting bungad sakin ng isang matanda, nakilala ko siya kahapon nang makarating ako rito.

Siya si Mr. Baroja, ang bagong tagapamahala dito sa dormitoryo ng mga kalalakihan at ang bagong kanang kamay ng Presidente. Siya ang pumalit sa posisyon ni ama.

Imbis na sagutin ko siya ay dere derecho lang akong pumasok sa loob ng opisina niya, nagbabakasali na baka may mahanap akong impormasyon dito tungkol sa pagkamatay ng pamilya ko.

Pinagmasdan ko ang buong paligid ng opisina niya. Ramdam ko naman na nakatingin lang siya sa ginagawa ko mula sa harap ng pintuan.

Dumerecho ako sa lamesa niya at hinalughog ang laman ng drawer niya pero wala naman akong napala.

"Ito nalang ang natitirang gamit ng yumao mong ama sa kwartong ito."

Mabilis akong napalingon sa kanya nang marinig ko iyon. Nakangiti siya sakin habang taas taas niya ang isang picture frame na alam kong pinapakita niya talaga sakin. Gusto kong itanong sa kanya kung papaano niyang nalaman na naghahanap ako ng gamit dito ni ama sa opisinang ito at kung papaano niyang nalaman na kakilala ko ang dating nagmamay-ari ng opisinang ito pero hindi ko na kailangan pang magtanong sa kanya dahil malamang naman na sinabihan na siya ng Head Mistress o ng Presidente kung sino ba ako at kung bakit ako narito ngayon sa impyernong eskwelahan na ito.

Wala sa sarili na lumapit ako sa kanya kasabay nang paglahad niya ng picture frame sa harap ko. Kinuha ko iyon mula sa kanya at tinitigan ko ang picture frame na iyon. Nakatitig lang ako sa picture frame kung saan masaya at buong pamilya ang nakikita ko mula roon. Ang litrato kung saan naroon ako kasama ng pamilya ko---si ama si ina at ang kuya ko.

Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko habang nakahawak ako sa litrato namin nila ama pero mabilis din iyong nawala nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak mismo sa kamay ko. Napaangat ako ng ulo ko at derecho lang akong nakatingin sa kanya. Gaya kanina hindi pa rin nawawala ang pagngiti niya sakin. Nakatitig lang ako sa nakangiti niyang mukha. Ang mga ngiti na yun---naalala ko tuloy bigla si ama.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon