CHAPTER 31: STAY WITH ME

86 21 29
                                    

AYAKO POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AYAKO POV

Kakapasok ko pa lamang sa kwarto namin nang makarinig ako nang nagsisigawan sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto nila Arkisha. Naririnig ko ang maarteng boses ni Hershey kaya malamang may ginawa na naman siyang hindi kanais-nais.

Wala naman akong balak alamin o usisahin ang pinagmumulan nang kaguluhan ng mga kaklase ko eh kaso, sa sobrang daldal at chismosa ni Arkisha, hindi niya namalayan na habang salita siya nang salita nahatak na niya rin ako papunta sa kwarto nila.

*boogsh*

Halos mabingi ako nang makarinig ako ng bagay na nabasag. Ang lakas ng impack ng tunog na iyon. Ultimo 'yung reading glass na suot ko ay halos mahulog din ito sa sobrang pagkagulat ko dahil sa tunog na iyon.

"Anong nangyayari?!"

Natatarantang bungad ni Arkisha pagkarating pa lamang namin sa pintuan ng kwarto nila.

Sabay lang na tumingin sa amin ang mga kaklase namin. Si Jade na printeng nakaupo lang sa may sofa at may mga papel na binubutanting sa kaharap nitong lamesa, nasa tabi nito si Lizanna na may hawak na libro ngunit ang ulo nito ay nakadungaw kung saan naroon sila Hershey. Si Sabrina naman ay nakaupo lang sa kanyang kama at walang ganang pinagmamasdan lang ang mga kaklase namin.

Nasa harap ng tres malditas ang basag na ngayon na chandelier.

Omygod!

Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang makita ko ang basag na ngayon na chandelier.

Naramdaman ko ang paghiwalay sa akin ni Arkisha at nagtungo ito sa mga kaklase namin at malamang nakipagchismisan na naman doon. Hindi ko siya pinansin bagkus pinagmasdan ko ang buong paligid.

Nagkalat ang mga bubog kung saan-saan. Mukhang tinamaan din ang braso ni Sakura dahil nagdurugo ito. Sobrang sama ng tingin niya kay Hershey. Kulang na lang kainin niya ito ng buhay. Nasa tabi naman ni Sakura ang matalik na kaibigan nitong si Chandara. Hawak-hawak ni Chandara ang braso ni Sakura. Mukhang pinipigilan niya ang matalik na kaibigan na sumugod kila Hershey.

Hindi ko man alam kung ano ang pinagmulan ng away nila, mukhang naintindihan ko naman kung bakit nagkakaganito si Sakura base na rin sa nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha. Sa tabi kasi ng basag na chandelier ay ang basag din na skateboard ni Sakura.

Para kay Sakura, galawin mo na lahat, huwag lang ang kanyang skateboard dahil ang skateboard lang ang kanyang ikinabubuhay sa lugar na ito. Mas mahal pa nga niya 'yung skateboard niya kaysa sa buhay niya. OA man pero, iyon ang nakikita ko.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon