CHAPTER 7: HELL MUSIC

262 50 7
                                    

SASHIKO POV

Pinulot muna ni Zero ang picture frame namin ng pamilya ko na ngayon ay basag na tsaka niya ako hinila na papasok sa classroom namin. I used to call him in his second name. Mas sanay na kasi ako dun mula nung mga bata pa kami.


Nakapasok na ako sa classroom namin at wew---welcome in hell. Paano ba naman kasi, ang gulo gulo at ang ingay ingay ng mga kaklase ko. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sobrang pagtataka at pagkagulat na nakikita ko ngayon sa loob ng classroom namin. Gulo gulo ang mga upuan, nagkalat lang ito kung saan saan. May mga nakaupo pa sa teacher's table, may mga natutulog, ang daming pang nagkalat na mga papel at mga balat ng candy sa paligid na tila ba isang barusahan itong classroom na ito.


I don't expect this.


Bakit ganito kagulo? Class A ba talaga ito? Sila ba talaga ang nakasama ko kanina sa conference room? Ang mga kaklase kong tahimik lang kanina pero bakit ngayon, para bang naligaw ako ng classroom---para bang naligaw ako ng klase.


"Parekoy."


Narinig ko ang pagtawag sakin ni Zero pero hindi ko siya pinansin. Abala kasi akong pagmasdan isa isa ang mga kaklase ko. Ang iba napapatingin sakin dahil nakatayo nga ako rito sa tapat ng pintuan pero saglit lang din iyon at babalik din sila sa mga pinaggagagawa nila. Sa madaling salita---mga wala silang pakialam.


"Pfft. Tara na parekoy, masasanay ka rin dito." Natatawang sabi ni Zero nang lumapit ulit siya sakin habang nakalahad sa harap ko yung isang kamay niya na tila ba inaaya niya na akong maghanap ng mauupuan namin.


Nakatingin lang ako sa nakangiting mukha niya. Wala naman akong naging reaksyon sa pagtawa niya kanina at mas lalong wala akong sasabihin sa kanya ngayon. Nababasa ko kasi sa mukha niya na naghihintay siya nang sasabihin ko o itatanong ko ukol dito sa nakikita kong kaguluhan sa classroom namin.


Yung kaninang nakangiting mukha niya ay unti unting bumubusagot ngayon at bago palang niya ako pitikin na naman sa noo ko ay tinalikuran ko na agad siya. Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinakadulo nitong classroom namin. Kung ganito lang din naman kagugulo ang mga kaklase ko mabuti pang sa pinakadulo nalang ako uupo para naman hindi ako masyadong marindi sa kaingayan nila at para naman hindi ako madamay sa kagagaguhan na pinaggagagawa nila.


Umupo ako sa pinakadulong upuan, sa pwesto kung saan malapit sa isang pinto. Mukha namang utility room ang pintong iyon.


"Bakit nandyan ka?" Nakatayo si Zero sa harapan ko habang salubong ang kilay nito. Tiningnan ko lang siya at wala naman akong naisagot sa kanya.


"Tss. Ang sarap mo talaga kausap Sashi." Narinig kong bulong niya pagkatalikod niya sakin at humila siya ng isang upuan at ipinwesto niya ito paharap sa akin.


"Bakit nandyan ka?" Walang emosyong tanong ko sa kanya. Parang inulit ko lang ang tinanong niya sakin kanina. Paano ba naman kasi nakaupo siya mismo sa harapan ko, patalikod sa white board, bale nakatalikod siya sa mga kaklase namin.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya nang ngumiti lang ito sakin.


"Gusto lang kitang titigan, namiss ko kasi ang pagkacold mo parekoy." He said smiling. I just looked at him straight in his eyes.


"Sino kaya siya?"


"Ewan. Kebago bago, nilalandi agad si fafa Vonn ko."


"Correction, our fafa Vonn."


Narinig ko ang ilang bulungan ng mga kaklase ko malapit sa pwesto ko kaya napalingon pa ako sa may gilid ko. Kung titingnan ko ang mga kaklase ko tila ba gustong gusto nila si Zero. I can't keep myself smiling with that thought. Mula noon at hanggang ngayon, sikat na sikat pa rin talaga siya kahit na naging high school student na kami.


You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon