THIRD PERSON POV
Kapa-kapang naglalakad sa dilim si Henna. Kasalukuyan itong nasa ikaanim na palapag na nasa main bulding. Mag-isa itong nagtungo roon upang puntahan ang dating silid-aralan ng mga Class F, ng mga kaklase nito noon.
Tumakas ito sa nagaganap na pagdiriwang para puntahan lang ang dating silid-aralan nila. Nais kasi nitong malaman kung may pagbabago bang naganap sa dati nilang kwarto.
Wala ni isang ilaw ang nakabukas sa palapag na iyon, tanging ang unang palapag lang sa main building ang may ilaw dahil nga sa may pagdiriwang na nagaganap kaya pinagbawalan na ang sino man na magtutungo pa sa main building ng ganitong oras pero dahil mapilit nga ang dalaga kaya pasimple itong pumuslit doon upang makapasok sa main building. Wala rin naman itong pakialam kahit may makakita pa sa kanya dahil mahuli man ito o hindi, gagawin niya pa rin ang gusto niyang gawin.
Nakapasok naman ito dahil sa tulong ng pagkawala ng kuryente kanina. Halos limang minuto lang naman nawala ang kuryente ngunit sapat na oras na iyon para magkaroon ito ng pagkakataon na pasukin ang main building ng walang makakapansin sa kanya.
Wala itong ideya kung bakit namatay ang kuryente kanina pero kahit malaman man nito ang dahilan, wala pa rin namang pakialam doon ang dalaga.
Nasa kalagitnaan na ng pasilyo si Henna nang mapatigil ito sa paglalakad. Nakita nito kasing may liwanag na naroon sa silid-aralan ng mga Class F.
"May tao kaya roon?" Tanong nito sa Sarili.
Nagsimulang maglakad muli si Henna ngunit nakakatatlong hakbang pa lang ito nang muli itong mapahinto muli dahil sa may kakaiba itong naramdaman sa likuran nito.
"Bwisit! Sino na naman kaya itong sumusunod na to." Naiinis na turan ni Henna sa sarili at bakas nga sa mukha nito ang pagkairita.
Kahit madilim sa paligid, naramdaman pa rin ni Henna na may sumusunod sa kanya. Bukod kasi sa madilim ang buong pasilyo, idamay pa na wala namang ibang maririnig na tunog doon kundi ang mga yapak lang ng isang tao. Tumutunog pa rin naman ang musika na nagmumula sa pagdiriwang na nagaganap ngunit hindi iyon hadlang kay Henna para hindi maramdaman ang isang taong nagmamatyag sa kanya.
Mabilis nitong hinawakan ang latigo nito na nakasabit lang sa bewang niya. Handa na sana niya itong pakawalan at ihagis sa taong nasa likuran niya ngunit nang humarap doon si Henna ay naramdaman nitong wala na doon ang taong sumusunod sa kanya. Kung saan ito nagtago ay hindi nito alam at wala rin naman itong pakialam.
"Hangal!" Sabi nito out loud saka tumalikod at nagsimulang maglakad muli.
Bago makarating si Henna sa tapat mismo ng silid-aralan ng mga Class F saka naman namatay ang ilaw roon. Pagtaas agad ng isang kilay ang namayani sa mukha ng dalaga. Hindi nito mapigilang hindi mairita dahil sa iniisip nitong tila pinaglalaruan siya ng mga tao.
"As if naman na takot ako." Matapang na saad nito sa sarili habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Nakarating si Henna sa tapat mismo ng pintuan ng silid-aralan ng mga Class F, ang dati nitong silid-aralan. Maglalakad na sana ito paabante palapit sa pintuan ngunit isang bulto ng isang tao ang nakapagpigil dito.
Bahagyang napapitlang si Henna nang magdikit ang kanilang mga braso. Madilim pero sapat na para maramdaman nitong isang lalaki ang nasa harapan niya ngayon.
"Tatanga tanga." Naiiritang saad ni Henna bago lagpasan ang lalaking nasa harapan niya ngayon ngunit nakakaisang hakbang pa lang ito nang mapatigil ito dahil nagsalita ang lalaking nakabungguan nito kanina lang.
"Sorry miss."
Dali-daling humarap muli si Henna sa lalaking iyon. Hindi alam ng dalaga kung bakit ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa sobrang kaba dahil sa boses na iyon.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...