CHAPTER 29: INSIDE THE PUNISHMENT ROOM

60 20 11
                                    

SASHIKO POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SASHIKO POV

Nandito ako sa tapat ng punishment room habang hinahanap at hinihintay ang gwardyang nagbabantay dito.

Muli akong tumingin sa pintong may malaking kandado mula sa labas. Nakakapagtaka kung bakit kailangan pa nilang kandaduhan ang pinto mula sa labas kung may nagbabantay lang din naman dito sa labas.

Sampong minuto na ang nakalipas buhat nang marinig ko ang bell kanina, hudyat sa huling klase namin. Kahit naman siguro pumasok ako, malamang wala rin akong matututunan dahil sa ingay ng mga kaklase ko kaya minabuti ko na lang alamin kung sino ba si Kyn sa eskwelahang ito? Dahil magmula nang pumasok ako sa eskwelahang ito ay hindi na importante ang edukasyon o kung ano pa man.

Mas importante pa ang mabuhay ako at alamin ang pinagmulan ng impyernong lugar na ito.

Umayos ako nang pagkakatayo nang makarinig ako ng mga yapak. Sa tyansa ko, naglalakad ito patungo rito sa punishmen room. Nandito kasi ito paliko sa pinakadulo ng unang palapag sa main building.

Tiningnan ko lang ang gwardya na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Tumingin siya sa suot niyang relo saka tumingin sa akin kasabay nang pag-iling.

"Hay naku, ang mga kabataan talaga ngayon. Oras ng klase kung ano-ano ang pinaggagawa." Sabi nito habang naglalakad patungo sa lamesa niyang nasa gilid ng pintuan.

Iba na siya sa gwardyang nadatnan namin ni Zero kahapon.

Pinagmamasdan ko lang siya.

Umupo siya sa kanyang upuan saka sinuri ang librong nasa harapan niya kasabay nang paghawak niya sa panulat.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong niya sa akin na hindi man lang ako inabalang tingnan.

"Sashi Salcedo." Tipid na sagot ko at pagtataka dahil bakit kailangan pang alamin ang pangalan ko.

Sinusuri niya pa rin ang librong nasa harap niya habang ginagalaw-galaw pa niya yung panulat na hawak niya. Bukod tanging tunog lang ng panulat niya ang naririnig ko pero ilang sandali, nakarinig ako ng isang tunog mula sa loob ng punishment room.

"Ano 'yun?" Wala sa sarili na naibulalas ko.

Sobrang lakas ng tunog na iyon na para bang may malaking bagay na binato sa dingding.

"Hay naku! Wala na naman siyang magawa sa buhay niya."

Muli kong sinulyapan ang gwardyang abala pa rin sa ginagawa niya. Nililipat-lipat niya ang pahina ng libro na para bang may hinahanap siya.

Gusto kong itanong kung anong ibig sabihin nung sinabi niya kanina pero minabuti ko na lang na manahimik dahil gusto ko, ako mismo ang tutuklas sa mga bagay na hindi ko pa nalalaman patungkol sa eskwelahang ito.

"Hindi ko makita ang pangalan mo. Bueno, magsulat ka rito." Saka niya nilahad paharap sa akin ang librong hawak niya.

Mukhang iyon ang log book dito sa punishment room ngunit kahapon, bakit walang log book na pinakita sa amin.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon