CHAPTER 28: ANNOUNCEMENT

260 21 10
                                    

ARKISHA POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARKISHA POV

Papunta na ako ngayon sa classroom namin. Nalate ako ng gising at buti naman hindi pa naman ako inaabutan ng bell. Hindi ko na naisipan na kumain ng almusal dahil kung kakain man ako ay alam kong male-late ako. First subject namin 'yung maarteng teacher na iyon kaya baka ipadala niya ako sa punishment room.

Nakakabwisit naman kasi 'yung mga kasamahan ko sa kwarto, di man lang ako ginising. So selfish. Well, wala naman akong pakialam dun dahil wala rin naman silang pakialam sa akin. Sa sobrang walang pakialam nila, hindi talaga nila ako ginising.

Hindi ko naman din masisisi si Ayako kung bakit hindi niya rin ako ginising. Marahil ay abala na naman ito sa pagiging sekretarya niya.

Naririnig ko ang ilang estudyanteng pinag-uusapan ang barahang natanggap ni Sashiko. Actually, ilang araw na niya iyong natanggap pero kahapon niya lang iyon nabuksan at nagtaka nga lahat dahil kakaibang ace card ang natanggap niya. Sa tinagal-tagal na nag-aaral ako rito ay ngayon lang nakaranas ang section namin na makatanggap ng ace card at kakaiba pa dahil kung sino man ang makakatanggap ng ace card ay mamamatay pero si Sashiko, hindi siya katulad sa mga kaklase kong nakatanggap ng ace card na namatay na. Sa madaling salita, si Sashiko ang kauna-unahang nakatanggap at makakaranas ng premyo sa klase namin.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit kakaiba ang natanggap niya. Dahil ba isa siyang transferee? O baka naman, may kinalaman si Vonn sa pagkakaiba ng ace card niya dahil sa napag-alam ko, si Vonn lang ang may hawak ng ace card niya at ito rin ang siyang nagbukas nun.

Hindi kaya pinalitan niya iyon?

"Araaay!"

Nasa ganun akong pag-iisip nang maramdaman kong tumama ako sa isang poste.

"Sorry Miss. Are you okay?"

Tumingala ako nang marinig kong nagsalita ang nasa harapan ko at napagtanto kong hindi ako sa poste bumunggo dahil kung tutuusin, wala namang poste rito kundi sa katawan lang naman ng isang lalaki. Ilang segundo akong napatulala sa harapan niya.

Bago pa lang tumulo ang laway ko sa kakisigan at tikas ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon ay nagsalita na ako.

"Okay lang po sir, hindi rin po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Mahabang pagpapaliwanag ko habang bahagyang nakatingala dahil sa sobrang tangkad niya.

Isang magandang ngiti niya ang pinakawalan niya bago siya humingi ulit ng patawad at magpaalam sa akin. Sinundan ko pa siya ng tingin habang kumakaway-kaway pa ako kahit na hindi naman na niya makikita dahil naglalakad na siyang papalayo sa akin.

Bigla kong naramdaman ang biglang pagtahimik sa paligid ko at dun ko napagtantong lahat sila ay nakatingin sa akin. Maybe because I'm still waving my hand kahit na wala naman na roon ang gurong nakabungguan ko kanina lang.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon