VONN ZERO POV
Eksaktong nagbell nang makarating ako sa classroom. Ang bell na iyon ay hudyat na kailangan na namin magtungo rito sa main building. I guess napaaga ang pagpasok ko pero mas maaga pa rin ang iilang mga kaklase ko.
Pumasok ako sa classroom na napakaingay nilang lahat. Kalat kalat ang mga upuan kung saan saan na para bang hindi mo aakalain na nilinis ito kahapon dahil gulo pa rin ang maaabutan mo pagpasok mo.
"Hi Vonn, good morning."
Nagsimulang maghiyawan ang mga kaklase kong babae nang nakapasok na ako at dumerecho sa pinakadulo kung saan ang upuan ni Sashiko. Hindi ko sila pinansin. Wala akong ganang ngumiti sa kanila at sagutin ang mga bati nila para sa akin.
"Eh? Ang suplado ni Vonn. May problema kaya siya?"
"Kahapon pa yan hindi makausap ng maayos."
Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase kong babae. Ang mga kaklase kong lalaki ay nagtataka lang sa ikinikilos ko. Again, I just ignored them, wala rin naman akong sasabihin.
"Where's Sashi? Tanong ko kay Stacey nang makalapit ako sa kanila. Wala pa rin kasi si Sashiko sa tabi niya.
Sabay na itinaas ni Ivan at Stacey ang ulo nila at tumingin sa akin. Sa itsura nilang dalawa para bang may nilalaro laro sila sa hawak nilang papel. Nakatayo lang ako sa harapan nilang dalawa.
"Akala ko magkasama kayo?" Bakas sa mukha ni Stacey ang pagtataka pero mas nangingibabaw ang pagtataka ko dahil sa sinabi niya.
"Magkasama?"
"Oo. Nakasalubong kasi namin kanina yung mga kaibigan mo sabi nila pinapatawag mo raw siya." Sagot ni Stacey.
"Sinong kaibigan?" Nagsimula na akong kabahan.
"Yung dalawa nating kaklase na lagi mong kasama? Basta yung natandaan ko lang kulay brown yung buhok ng isa. Yung isa naman---" Hindi ko na pinatapos si Stacey sa mga sinasabi niya dahil sa kakaiba na ang pakiramdam ko.
"Saan daw sila pupunta?"
"Ha? Eh diba ikaw nga ang nagpapatawag?" Nagtaka naman siya dahil sa sinabi ko. Napailing na lang ako saka napagpasyahan na lumabas ng classroom namin.
Napakuyom ang mga kamao ko habang naglalakad akong papalabas ng classroom.
Damn you Franz! Wag si Sashiko.
Kinakabahan ako sa maaaring mangyari kay Sashiko lalo pa at isa pa siyang transferee. Alam ko ang takbo ng maduming utak nila Franz at Harris.
"Isasama mo rin yung transferee sa girls collection mo."
"I'm not collecting girls. You know, they want me and I just return the favor."
Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko iyon. Sina Franz, Harris at ang dalawa pa naming kaklase ang nabungaran ko.
Kanina pa ako nakatambay dito sa pasilyo at nag-aabang lang ng bell para sa curfew namin pero itong mga kaklase ko walang sawa pa ring maglakwatsa. I faced them at sumandal lang sa railings.
"Ano, pre, transferee naman yun eh. Ipaubaya mo na yun sa akin." Ngising gago ni Franz at lumapit pa sa akin para akbayan ako.
Tiim bagang tiningnan ko siya. Alam ko yang ngisi niyang iyan. Kahapon niya pa ako kinukulit tungkol sa bagay na yan at kahapon pa ako nagtitimpi sa kanya.
Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa akin saka nagsimulang maglakad pero napahinto rin agad ako nang magsalita ulit siya.
"Come on, Vonn. Babae lang yun."
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...