CHAPTER 37: HELLCOME BACK

46 1 0
                                    

Sᴀꜱʜɪᴋᴏ Sᴀʟᴄᴇᴅᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Matapang kong muling hinarap ang aking locker. "Ano ba, Sashiko, tara na!" hinahatak na ako ni Zero paalis dito subalit hindi ako nagpapatinag. Alam kong galit na siya dahil tinawag na niya ako sa buong pangalan ko ngunit wala naman siyang magagawa kung gusto kong alamin kung ano man ang nasa loob ng aking locker. Kung mayroon man.

Katulad sa mga kaklase ko, inaasahan ko rin na may kakaiba at nakakadiring bagay ang naroon ngayon. Ngunit ano? Ano kaya ang maaaring nakakadiring katawan ng tao ang aking makikita roon?

Hinawakan ko na ang susi. Pinihit ito paitaas. Dahan-dahang binubuksan iyon. Ang langitngit na tunog ng aking locker ang siyang nakapagdagdag sa kaba na nararamdaman ko. Miski ang malamig na tingin ng mga taong nasa paligid ko ay damang-dama ko ngayon. Nakakapagtakang mabilis na nawala ang sigawan, iyakan at tulakan kanina. Nilamon kaagad ito ngayon ng katahimikan. Ang lahat ng kanilang mga atensiyon ay ramdam na ramdam ko. Tila naghihintay sa bagay na pare-pareho naming inaabangan.

"Sashiko! You're crazy!" humigpit ang hawak ni Zero sa aking braso. Damang-dama ko ang kaniyang galit dahil sa pagbaon ng kaniyang mga kuko.

Alam kong nag-aalala lang siya kung ano ang maaaring mangyari sa akin, kung mayroon nga akong makita sa loob nito. Ang takot ko ay nilabanan ko. May mga bagay na hindi umaayon sa akin ngunit ayokong habang buhay na lamang akong magiging mahina. Siguro nga'y baliw na ako. Ngunit itong kabaliwan ko ang gustong kong marating upang makipagsabayan sa mga baliw ko ring mga kaklaseng pagpatay ang hilig.

Halos huminto ang oras nang tuluyan ko nang nabuksan ang aking locker. Napaatras ako sa nakita ko sa loob nun, napakadumi nito. Halos lahat ng gamit ko roon ay naging pula na. Hindi ko alam kung paano nabuksan ng kung sino man ang locker ko at higit na hindi ko alam kung paano niya pinagkasya ang isang ulo sa loob nun.

Oo, isang ulo ng tao ang nasa loob ng aking locker.

Nakatalikod sa akin ang ulo. Tanging likod ng kaniyang ulo ang siyang nakikita ko ngayon. Ang buhok nito ang siyang humarang sa kabuuan ng aking locker kung saan nakilala kong isang babae ang nagmamay-ari ng ulong ito. Hindi ko alam kung paano pa akong nakatayo ng ganito katagal habang nakatingin ako sa pugot na ulo.

"Let's go!" marahas akong hinatak ni Zero. Nanginginig man ay nilabanan ko iyon. Marahas ko ring tinabig ang kaniyang kamay para bitawan ako. "What?!" sigaw niya sa akin. Naroon ang pagtataka sa kaniyang mukha. Tinitingnan kami ng lahat, nagtataka sa itsura naming dalawa.

Huwag mong sabihing may kinalaman ka rito, Zero? Dahil hindi ko alam kung paano pa ako lalapit sa 'yo. Ito ang mga katagang gusto kong sabihin sa kaniya ngunit napako ako sa nanlilisik niyang mga mata. Tanging sa mga mata ko lang din iyon masasabi sa kaniya.

"Mali ang iniisip mo, parekoy." naglabas siya ng napakalalim na paghinga, tila pinapahinahon ang sarili.

Sa lahat ng nandito, si Zero ang lubos na nakakakilala sa akin kaya marahil sa mga oras na ito nakuha na niya kung ano ang ipinupunto ko. Sa pagtitig ko pa lamang sa kaniya, sa pag-iwas ko pa lamang sa kaniya at sa pagkalas ko pa lamang ng kamay niya sa akin ay alam niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Sa lahat din ng nandito, ako rin ang higit na nakakakilala sa kaniya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan mula nang makarating kami rito. Pakiramdam ko'y sinadya niya lang talaga akong samahan dito sa locker ko para masigurong hindi ako mahihimatay kapag nakita ko na kung ano ang nasa loob ng locker ko dahil simula't sapol pa lamang alam na niyang mayroon akong makikita sa loob nun. Miski ang kaniyang kakaibang pagngisi kanina'y hindi nakalampas sa paningin at pakiramdam ko. Lahat ng ginagawa niya'y kakaiba para sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon