CHAPTER 4: JADE SACUEVO

405 58 5
                                    

THIRD PERSON POV

Taimtim na naglalakad sa napakahabang pasilyo ang dalaga. Siya si---Jade Sacuevo, ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni---Jace Sacuevo. Binabagtas nito mag-isa ang kahabaan ng pasilyo. Wala ni iisang estudyante ang nakatambay sa pasilyo ngayon dahil sa mga oras na ito ay kasalukuyan silang nasa cafeteria dahil oras nga ng pananghalian ngayon.

Mas pinili ng dalaga na maglibot libot nalang muna kesa sa kumain ito ng tanghalian dahil simula bukas ay sigurado itong hindi na ito makakapaglibot libot pa sa buong Hellena, dahil simula bukas ay umpisa na naman ng klase nila.

Simula bukas ay magiging busy na naman ang dalaga dahil, ito ang Presidente ng buong senior assembly at Presidente din ito sa klase nila kaya kapag nag-umpisa na naman ang klase nila ay hindi na ito magkakaroon pa ng pagkakataon na makapamasyal man lang sa buong Hellena dahil sa dami ng tungkulin na ginagawa nito sa araw araw bilang isang Presidente.

Kung talino ang pag-uusapan, manang mana si Jade sa kanyang kuya. Ang pinagkaibahan nga lang nilang magkapatid ay masyadong istrikta si Jade kumpara sa kuya nito. Napakaistrika nito lalong lalo na sa klase nila. Madalang lang itong magsalita pero kapag nagsalita na ito, asahan mong dapat ka ng sumunod sa mga sasabihin nito. At katulad sa pinsan niyang si Henna ay wala rin itong pakialam sa mga bagay bagay o tao na nakapaligid sa kanya. Basta walang kwentang bagay ay hindi niya ito gugustuhing pakialaman.

Lumabas si Jade ng kanilang dormitoryo at naglakad lakad sa school ground. Gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin kahit na tumatama sa kanyang katawan ang sinag ng napakainit na araw ay wala naman itong pakialam.

"Hi babe."

Napahinto sa paglalakad ang dalaga.

"I miss you babe."

Pinapanood lang ni Jade ang isang babae at isang lalake na mukhang magkasintahan naman dahil sa pakikitungo nila sa isa't isa.

"At dito pa talaga naglandian sa harapan ko? Tsk!" Naiinis na saad ni Jade sa sarili nito. Hindi mapigilan ng dalaga ang pagkairita nito habang pinapanood ang dalawang estudyante na iyon. Imbes kasi na kumain ang dalawang iyon ay nandito pa sila sa harapan ni Jade. Naiirita ito dahil napakatanghaling tapat ay may naglalandian agad sa harapan niya.

Pamilyar na si Jade sa ganitong eksena lalo kapag nasa main building pa ito. Since boarding school ang eskwelahan nila kaya naman hindi na maaalis sa mga estudyante ng Hellena ang magkaroon ng kani-kanilang mga karelasyon. Pero wala namang pakialam doon ang dalaga. Ang tanging mahalaga lang para kay Jade ay ang pag-aaral nito at ang matalik na kaibigan nito---wala ng iba.

Sinundan pa ng tingin ni Jade ang magkasintahan na ngayon ay papalayo na. Sa tingin ng dalaga ay magtutungo ang dalawang iyon sa main building tutal doon lang naman pwede magsama ang babae at ang lalake.

Nakatingin lang si Jade sa magkasintahan na iyon. Walang inggit na mababakas sa mukha ng dalaga kundi isang tanong na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ng dalaga sa sarili nito. Kapag nakakakita kasi ito ng dalawang magkasintahan ay iisang tao lang ang pumapasok sa isip nito. Ito ay ang dati nitong kaklase na si---Princess Revillame.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin para kay Jade kung nasaan ang dati nitong kaklase na si Princess. Bigla bigla nalang kasi itong nawala noong freshmen sila. Ang huling beses na nakita ni Jade si Princess ay noong kasama nito si---Dwight Dequito, dito mismo sa school ground. Mula nung araw na iyon ay hindi na pumasok pa si Princess. (CHAPTER 50-BOOK1)

Ito na ang huling taon ni Jade dito sa Hellena pero hanggang ngayon hindi pa rin nito mahanap ang dating kaklase nito.

Muli ay naglakad lakad si Jade sa kalawakan ng school ground. Bukod tanging ang dalaga lang ang tanging naglalakad sa school ground sa mga oras na ito. Huminto si Jade sa paglalakad at pinagmasdan ang pang-apat na gusali o mas kilala sa tawag na Building of Hell. Ito na ang huling taon ng dalaga dito sa Hellena pero hanggang ngayon palaisipan pa rin para sa kanya kung ano ang meron sa gusaling iyon. Alam nito kasi na ipinagbabawal ang sinumang estudyante ang papasok sa gusaling iyon. Kung bakit ay hindi nito alam.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon