CHAPTER 21: STRANGER

148 36 1
                                    

HENNA POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. I just smirked when I found myself on my bed. Hindi naman na ito bago sa akin lalo na kapag basta basta na lang akong tinuturukan ni insan ng pampatulog ko.

Apat na araw.

Apat na araw na naman akong nakatulog dahil sa pagturok sa akin ng injection. Dadalawang tao lang ang gumagawa sa akin nun, si insan at si Lance.

Lance.

Sigurado akong narinig ko ang boses niya noong nagpunta kami sa Hellena. Hindi ako maaaring magkamali roon at sigurado rin akong si insan ang nagsaksak sa akin ng pampakalma ko, ng pampatulog ko, kung ganun...



















Siya yung sumusunod sa akin?

Alam kong palagi niya akong sinusundan saan man ako magpunta. Na inaalam niya ang lahat ng ginagawa at gagawin ko pa lang pero ang pinagtataka ko, bakit kailangan niya pa akong patulugin?

"Damn! Just make sure na hindi sila magkikita. This is not the right time. Ayokong magkita sila, not now, not later."

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko iyon. Boses iyon ni insan at tila ba may kausap ito sa cellphone.

"Sino?...Are you sure?...Okay sige bye."

Nagtulog tulugan ako nang makita kong gumagalaw ang seradura. Mukhang papasok siya rito sa kwarto ko. Naramdaman ko na ngang dahan dahan na bumukas ang pinto. Tila ba ingat na ingat itong magising ako.

Tss. Tanga ba siya? Ang lakas kaya ng boses niya kanina.

Naririnig ko ang mahihinang yapak niya. Naglalakad siya papalapit sa akin nang biglang narinig ko na naman na nagring ang cellphone niya.

"Hello!" Tila irita ang boses niya.

"Ano?" Nagtaka naman ako dahil bigla itong naging balisa.

"Why? What happened to him?" Him?

"Bakit ngayon mo lang sinabi?...Tss...How is she? Is she okay?...Good, I want to see her, sooner...Okay bye, see you later." Naglakad na naman siya.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko kung saan ako nakahiga.

Hinaplos niya ang ilang hibla ng buhok ko and by this time alam kong nakatitig siya sa akin.

"I will fix this, insan. I promise." He said.

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko saka siya tumayo at naglakad papalabas ng kwarto ko.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakatanga lang na nakatingin sa kisame. Ang daming bumabagabag sa akin dahil sa mga narinig ko kay insan.

Sinong him? Sinong she? Kanino siya makikipagkita mamaya at ano yung sinasabi niyang aayusin niya?

Simula nang makatapak ulit ako sa Hellena, nung araw na sinundan nila ako ni Aaron, kakaiba na ang napapansin ko sa mga ikinikilos ni Jace. Tila ba may tinatago siya sa akin.

Napapadalas rin na may lagi siyang kausap at pagkatapos nung usapan nilang iyon kung sino man ang kausap niya ay bigla na lang siyang nawawala. May ideya naman na ako kung saan siya nagpupunta, sa Hellena.

Kung noon, lagi niya akong sinusundan, ngayon, ako naman ang susunod sa kanya.

Mabilis akong tumayo at saka dumerecho sa CR.







SASHIKO POV

Apat na araw magmula nang mamatay si teacher Joel. Apat na araw na rin kaming walang advicer. Hanggang ngayon kasi wala pang pumapalit kay teacher Joel kaya naman mas lalong gumulo sa klase namin.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon