CHAPTER 36: HUMAN BODIES

43 2 3
                                    

Aᴋᴇᴍɪ Jᴀxᴏɴ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

"Nakita mo na ba 'yung susi, Ayako?"

Nandito ako sa kwarto nila Ayako. Kasama ko sina Janaica at Mheanne. Hinihintay kasi namin si Stacey. Minsan na rin namin siyang nakakasama dahil madalas ay mag-isa siya lalo kapag wala si Sashiko sa paligid. Pare-parehas lang naman kaming bago rito sa Class A kaya napagpasyahan namin nila Janaica at Mheanne na makisama na lang kay Stacey. Mabait si Stacey at madaldal kaya naman hindi ganoon kahirap na pakisamahan siya.

"Hindi pa nga eh." Sagot ni Ayako kay Stacey. Ni hindi ito lumingon dito sa gawi namin kung saan nasa sofa nila kami. Abala lang itong hinahalungkat ang laman ng kanyang bag. "Nasaan kaya 'yun." Aligaga pa rin itong maghanap. Panay halughog sa kanyang drawer at paulit-ulit sa loob ng kanyang bag. Sinasabayan pa ang pag-aayos ng kanyang suot na salamin dahil nalalaglag ito kapag yumuyuko siya.

Naririnig ko ang pagtawa ng magkambal na sina Heldigard at Hyacinth. Nasa sariling mga kama nila ito habang nagkokolorete ng kanilang mukha. Si Chricialyn naman ay kakalabas lang sa CR. Nakasuot na ito ng uniporme at mayroon na namang nakasalampak na lollipop sa bibig nito. Sinulyapan niya kami rito sa sala kung saan kami nakaupong tatlo nila Janaica at Mheanne habang sinusuklay nito ang basa niyang buhok. Kung akala ko'y papaalisin niya kami rito sa kwarto nila'y nagkamali ako dahil tiningnan niya lang talaga kami. 'Yung tingin na walang pakialam kung bakit ba nandito kami sa kwarto nila at higit na tingin na walang pakialam kung sino ba kami. Napatawa tuloy ako sa sarili ko.

"Ayaw mo nun, Ayako, wala tayong klase kapag hindi mo nahanap 'yung tanga mong susi."

"Kung saan-saan mo kasi nilalagay 'yung mga gamit mo."

'Haha. You're right sissy. Kung gaano talaga kapangit 'yung mukha eh ganoon ding umaayaw sa kanya 'yung mga gamit niya."

Nagtatawanan lang 'yung dalawang magkambal. Nakatayo na silang pareho ngayon at mukhang handa na ngang lumabas dito ngunit inuna pa rin ang asarin si Ayako. Panay ang sulyap pa rin nila kay Ayako na tatawa-tawa lang sa itsura nito.

"Wala talaga rito eh. Sige, tatanong ko na lang sa kabila baka nahulog ko lang dun." Hindi pinansin ang panlalait sa kanya ng magkambal. Isa-isang pinapasok ni Ayako pabalik ang laman ng kanyang bag. Tinutulungan siyang gawin iyon ni Stacey.

Tumayo na nga si Ayako at nagpaalam pa sa amin. Dumeretso siya sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto nga nila Arkisha. Kung wala rito ang susi na hinahanap niya ay baka nga naroon ito sa kabilang kwarto dahil sa pagkakaalam ko'y mas madalas siyang tumambay doon kaysa rito sa kwarto nila dahil kapag nasa pasilyo kami ay nakikita kong palagi silang naglalaro, silang lahat. Miski ang tres malditas ay kasama rin nilang maglaro roon minsan. Minsan gusto kong matuwa dahil kapag nagsama-sama naman sila sa iisang kwarto ay hindi naman ganoon kasasamang ugali ang nakikita ko sa kanila kaysa kapag nasa loob na kami ng klase. Ngunit minsan hindi ko rin maipagkakailang baka pagpapanggap lang din nila iyon dahil maraming seniors ang makakaalam na mga pangit pala ang kanilang mga ugali.

"Bakit ba rito kayo tumatambay ha, mga panget na 'to."

"Ewww. So kadiri ha?"

At nakuha pa talaga kaming spray-han ni Hyacinth ng kanyang alcohol. Nag-spray ito sa hangin na animo'y may mabaho o nakakadiring amoy ang narito ngayon sa kwarto nila dahil sa nandito nga kami. Lumabas na ito kasama ang kambal na si Heldigard. Sinarili ko na lamang ang pagkayamot ko habang narinig kong nagmamaktol sila Janaica at Mheanne. Kaagad ko silang pinigilan. Hinayaan ang kabastusang ginawa ng magkambal sa amin.

Sunod na lumabas ay si Chricialyn habang muli lang kaming tiningnan nito at umiling bago tuluyang lumabas na hindi ko naintindihan kung para saan iyon.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon