SABRINA POV
Ang lakas ng ulan---kasing lakas ng mga boses ng mga kaklase ko.
Nakakairita!
Nandito ako sa labas ng kwarto namin, sa tapat mismo ng nakabukas na pintuan namin. Nakasandal lang ako rito sa railings sa hallway habang malayang pinagmamasdan ang mga kaklase kong naglalaro ng kung ano ano sa sala.
Malaya ko silang nakikita mula rito sa kinatatayuan ko ngayon at rinig na rinig ko rin ang mga malalakas na halakhak nila kabasay din ng halakhak ng ilang kababaihan na nakatambay din dito sa hallway.
Si Hershey, Arkisha at Lizanna na may kanya kanyang kinakain na chips, si Jade na nasa tabi ni Lizanna na abalang nagbabasa lang ng libro. Bilib din ako sa kanya, kahit maiingay yung mga katabi niya nagagawa niya pa ring magbasa kahit napakaingay sa paligid niya habang si Sashiko naman ay nakaupo lang ito sa kama niya at may binabasa basa rin. Nakita ko naman kanina kung ano yung binabasa niyang iyon, yun yung booklet dito sa Hellena na ibinibigay kapag transferee ka. Sila ang mga karoommate ko.
Si Chricialyn, Hyacinth at Heldigard ay nasa kabilang sofa na kaharap lang din nila. Sa kabila ang kwarto nila, sa tabing kwarto namin pero lagi silang tumatambay sa kwarto namin para lang puntahan ang kanya kanyang kaibigan nila.
"Sabrina, pumasok ka kaya rito. Lalabas kaya yung aircon." Sigaw ni Arkisha mula sa loob habang may nguya nguya ito sa bibig nito.
"Baka may paa yung aircon noh?" Pilosopong sagot sa kanya ni Chricialyn habang may lollipop na naman ito sa bibig niya.
Nagtawanan yung mga kaklase ko sa sinagot na iyon ni Chricialyn habang nagpipigil ako ng tawa at napailing na lang ako sa kapilosopohan niya na iyon. Ano pa ba, nagsimula na naman silang magbangayan ni Arkisha.
Napapangiti na lang ako sa mga itsura nila ngayon. Kahit kasi madalas magugulo ang mga kaklase namin at madalas hindi nagkakasundo, kapag may gusto silang gawin ay nagkakasundo rin naman sila kahit papano. Madalas pa rin nga lang nakakairita ang kaguluhan at kaingayan nilang lahat.
Hindi mo naman maiiwasang hindi marindi sa kaingayan ng mga kaklase mo kapag nagsama sama kayong lahat sa loob ng klase o kahit saang lugar pa man. Basta kasama mo ang mga kaibigan mo tiyak na may gulo, asaran at kulitan na mangyayari pero sa kabila nito may saya rin naman kahit papano.
Gabi na at naghihintay lang kami ng bell hudyat ng dinner time namin. Tumalikod ako sa mga kaklase ko at humarap sa railings. Kitang kita ko ang malakas at nag-uunahang pagbagsak ng ulan.
May bagyo ba?
Ito ang pangit sa eskwelahan na ito. Hindi ka updated sa mga nangyayari sa paligid mo dahil lang sa hindi ka makapanood ng balita. Mayaman naman ang may-ari nitong Hellena na ito pero bakit ba ayaw nilang magpadala ng mga tv dito. Tss! Napakahigpit naman kasi ng patakaran nila kaya tuloy ang mga estudyante rito tumatalikwas dahil lang sa hindi mapagbigyan ang mga gusto nila.
Napatawa ako sa sarili kong pag-iisip, kahit nga pala may bagyo eh nasa katabing gusali lang naman nito ang main building kaya wala pa ring ligtas kung may bagyo man o wala.
Nagugutom na ako, bakit ba ang tagal magbell?
Nasa ganun akong pag-iisip nang may sumisigaw sigaw sa pasilyo.
"Excuse you! Excuse you!"
Nakalingon ako papunta sa kwarto ng ibang kaklase ko at papunta sa kwarto ng iba pang seniors. Sa tingin ko nasa kwarto siya ng mga Class B.
"Aray! Ano ba! Watch your way!"
"Sabi ko ng excuse eh, sorry."
Gaya noon, naghahawian ang lahat ng kababaihan sa pagdaan niya o nila para lang hindi sila matamaan o masalubungan nila. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ko ang mga itsura nila. Biruin mo, galing silang punishment room at dapat masakit ang paa nila dahil sa pagkakaposas nila roon pero nagagawa pa rin nila ang magskate. Ibang klase!
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Misterio / SuspensoSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...