CHAPTER 22: NEW ADVICER

163 36 0
                                    

STACEY POV

Lunes ngayon, nakakaisang linggo na ako rito sa Hellena pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.

Ang magugulo kong kaklase na para ba silang mga demonyo kapag nagsama-sama sila sa loob ng classroom namin. Ang pambabastos nila sa aming mga guro. Ang namatay na kaklase namin. Ang pagkamatay ni teacher Joel.

Bakit?

Bakit kailangan pang humantong sa patayan ang lahat?

May nangyari ba noon dito sa Hellena na hindi ko alam? Ito na ba ang ganti ng taong iyon o ng mga taong iyon?

Isa lamang akong transferee, wala akong nalalaman kung ano man ang meron sa klase nila noon pero ano? Kasali na rin ba ako sa kanila? Masasama na rin ba ako sa mga kaklase naming mamamatay?

Nakakatakot!

Natatakot ako para sa sarili ko.

Hindi ko alam na ganito pala rito sa Hellena. Naririnig ko na ang eskwelahan na ito na kakaiba raw dito. Na sa eskwelahan na ito itinatapon ang mga estudyanteng patapon, masasama ang ugali, mga basagulero, mga matapobre, mga suwail pero hindi ko akalain na aabot iyon sa puntong may mamamatay. Na hindi ko ko akalain na mas masasama pa ang mga estudyante rito kaysa sa dati kong eskwelahan. Na nasisikmura nila at kaya nilang pumatay.

Pero wala na akong magagawa, dito ako nababagay sa Hellena, isa akong patapon na estudyante pero...


















Ayoko pang mamatay.

Ayoko pang mamatay ngayon. Hindi pa ako handa.

Naglalakad akong mag-isa patungo sa locker's area.

Walang kasama. Walang may gustong sumama.

Sino nga ba ang gugustuhing samahan ako?

Napakahaba ng suot kong palda. Kulang na lang pati paa ko takpan ko na rin. Napakaluwag ng suot kong blouse. Kulang na lang magsuot na ako ng napakalaking t-shirt. Nakapony tail pero nakaharang naman sa buong mukha ko ang napakakapal kong bangs. May suot suot na napakakapal na salamin at hindi maayos ang pananalita dahil sa mga braces na meron ako.

Sino nga ba ang gugustuhing sumama sa akin kung ganito ang itsura ko?

Wala.

Kasi lahat sila umiiwas sa akin. Lahat sila nandidiri sa itsura ko. Lahat sila iba ang tingin sa akin.

Pero kahit ganun man, hindi ako nagpapaapekto. Hindi ako magpapaapekto kasi masaya ako. Masaya ako rito sa Hellena. Walang lumalapit sa akin, walang may gustong lumapit sa akin dahil ang gusto ko...


















Ako lang ang lalapit sa kanila.

Nakayuko akong naglalakad habang pasimpleng nakangiti kahit na naririnig ko ang masasamang panlalait nila sa akin.

Ibang iba talaga ito sa eskwelahan ko noon pero mas masaya rito.

Mas gusto ko rito.

Napahinto ako sa paglalakad nang may makabungguan ako. Nalaglag ang mga dala niyang libro.

Mabilis akong yumuko para pulutin ang mga librong iyon.

"Sorry po teacher, hindi ko po sinasadya." Paulit ulit na paghingi ko nang paumanhin sa lalaking guro na nasa harapan ko habang tinutulungan siyang pulutin ang mga libro niya.

Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang Miss, hindi rin kita napansin may kausap kasi ako sa phone." Sabi niya habang nakangiti ito.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon