CHAPTER 9: INTRODUCE

231 46 5
                                    

STACEY POV

"Kilala mo ba yung babaeng nakaupo sa teacher's table?" Tanong ko kay Sashi. Actually kanina pa nga ako tanong ng tanong sa kanya pero napakaiksi lang naman ng mga sagot niya sa akin.

"Hindi." Tipid na naman na sagot niya. Tumango nalang ako at umayos ng pagkakaupo ko.

Transferee kasi ako dito sa Hellena kaya naman wala pa akong kakilala sa isa sa mga kaklase ko. Wala naman akong katabi sa kanan ko para may makakwentuhan man lang. Bukod tanging si Sashi lang ang katabi ko pero napakasnobber at napakacold niya. Siya pa lang ang unang kinausap ko pero hindi ko naman siya makausap ng maayos dahil kung hindi siya sasagot sa tanong ko, isang word lang naman ang isasagot niya sakin. Iniisip ko kung nahihiya lang ba siya na makipag-usap sakin o katulad din ng iba na ayaw niya sa akin dahil sa isa akong nerd.

Pinagmamasdan ko na lang ang mga kaklase ko at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit sila ganito kagugulo. Hindi naman sa nagmamarunong ako pero kasi nasa Class A sila tapos ganito sila kumilos? Para kasing hindi sila naturuan ng good manners dahil sa asta nilang nakikita ko ngayon. Naiisip ko kung ganito rin ba kagugulo ang ibang section?

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Isang lalakeng may edan na ang pumasok, may hawak siyang class record. Halata naman na siya na ang teacher namin dahil sa pormal na itsura din naman nito pero nagtaka ako dahil hindi man lang siya pinansin ng mga kaklase ko. Maiingay pa rin sila na tila ba hindi man lang nila naramdaman na may pumasok ng teacher dito sa klase namin. Ang iba naman napatingin nga sa teacher naming iyon pero ayon lang---tiningnan lang talaga siya. Ako ang nahihiya para sa mga kaklase ko. Paano ba naman kasi, ang gulo gulo kaya ng classroom namin at hindi man lang sila natitinag sa mga ingay na pinaggagagawa nila.

Naglakad ang teacher namin patungo sa table niya na pailing iling nalang. Sinusundan ko lang siya ng tingin.

"Excuse me?" Since maingay ang mga kaklase ko kaya naman hindi ko iyon narinig pero nabasa ko sa pagbuka ng bibig niya na yun ang sinabi niya.

Sinabi niya iyon doon sa dalawang kaklase naming nakaupo sa table niya. Umalis ang isa habang ang isang may lollipop sa bibig nito ay nanatiling nakaupo roon.

"Dadaan ka ba? Ang luwag luwag ng daan ohh. Dito mo pa talaga naisipan na dumaan?" Walang galang na sagot nito sa teacher namin. Hindi naman ito masyadong malakas pero sapat lang para marinig ko.

Hindi ko naintindihan ang ibig ipahiwatig ng kaklase naming iyon. Sa pagkakaintindi ko kasi sa sinabi ng teacher namin ay pinapaalis niya ito sa table niya dahil nga nakaupo ito roon pero nang marinig ko ang tawanan at sigawan ng mga kaklase ko naisip kong sinagot niya lang ang teacher namin ng pabalang.

Ilang tawanan ang narinig ko. Kitang kita ko ang teacher kong napayuko nalang dahil sa pagkapahiya nito.

Grabe. Ganito talaga sila sumagot sa teacher?

"Cadwell."

Kusang huminto ang tawanan at sigawan ng mga kaklase ko nang marinig namin iyon. Hindi naman iyon pasigaw pero alam mong pagbabanta ang pagkakasabi nun.

Hinanap ko kung sino ang nagsabi nun at naramdaman kong ganun din si Sashi sa tabi ko. Nakita ko ngang karow namin siya. Medyo malayo nga lang ng konti dahil nasa pinakasentro siya ng row namin. Nakatingin lang siya doon sa kaklase naming nakaupo sa teacher's table. Hindi ko naman mabasa sa itsura niya kung galit ba ito o ano dahil napansin kong para siyang si Sashi---napakacold niya rin.

Muli akong bumaling sa kaklase naming nakaupo pa rin sa table. Tinanggal niya muna ang lollipop niya sa bibig tsaka ito nagsalita.

"Paborito mo talagang tawagin ang dyosa kong apelido, Miss President." Walang ganang sagot nito kasabay nang pagbaba niya sa table at dumerecho na sa tamang upuan na nito.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon