CHAPTER 26: LUNCH TOGETHER

211 35 39
                                    

Whoa! December 16 last  year last na UD ko. 5 months and 9 days bago nakapag UD ulet. Omygod! saree na wahaha busy lang talaga. Sa sobrang busy ko at maraming iniisip, hirap na hirap akong makapag-isip ng scene. Kaloka! Okidoki, enjoy reading guys ^_____^v

PS: Join kayo sa group namin, www.facebook.com/groups/YNTDhanliit. Naghahanap po kami ng admin at OP. Pakiadd at PM na lang sina Erza Yntd, Lucy Yntd, Juvia Yntd at Mira Yntd  for those interested. Okidoki. Komawo ^_____^v






STACEY POV

Nakatanga akong nakatingin kay Stanley na hatak hatak si Sashiko palabas ng classroom namin.

"Boyfriend daw? Kelan pa naggirlfriend si Stanley?"

"Oo nga. All this time, wala naman siyang naging girlfriend diba?"

"Ni hindi nga yan nakikipag-usap sa kahit kaninong babae except lang sa bestfriend niyang si Sabrina."

"Oo nga."

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko at kagaya ko nakatingin lang din sila kila Stanley at Sashiko hanggang sa tuluyan na silang nakalabas ng classroom namin. Kagaya nila, yun din ang tanong ko at gusto kong alamin.

Sila pala? Pero bakit hindi naman sinabi sa akin ni Sashiko? I just laughed. Kelan niya nga ba ako unang inapproach eh sa hindi nga siya namamansin kapag hindi mo siya inapproach at napakatipid na sagot niya lang naman ang isasagot niya sayo kapag kinausap mo siya, yun pa kayang magkwento siya sa akin na may boyfriend siya diba?

Nakatingin pa rin ako sa pintong pinaglabasan nila Stanley at Sashiko. Kung may relasyon si Stanley at Sashiko, papaano naman si Vonn? Sa nakikita ko kasi sa dalawang iyon alam kong higit pa sa matalik na pagkakaibigan ang turingan nila para sa isa't isa.

"Tara na, Stacey." Napalingon ako kay Ivan na nakatayo na ngayon sa may gilid ko.

Nakangiti siya sa akin habang nakalahad sa harapan ko yung isang kamay niya na para bang nagpepresinta siyang alalayan ako sa pagtayo ko para sabay na kaming magtungo sa cafeteria.

Nakaupo ako, nakatayo siya, sa itsura naming dalawa para akong isang prinsesa na gustong alalayan ng aking prinsipe, pero hanggang pangarap na lang iyon dahil kahit kailanman hinding hindi ako magiging prinsesa lalo pa at may mga taong ayaw akong maging masaya, katulad ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon.

Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase namin pero kami na mismo ni Ivan ang pinag-uusapan nila. Nilalait na naman nila kami pero hindi ko na iyon kailangan intindihin pa. Nakangiti akong inabot ang kamay ni Ivan.

"Let's go." Nakangiting saad ko saka kami sabay na naglakad palabas ng classroom namin.

Nakarating kami sa cafeteria na sobrang tahimik. Para bang nakahinto lang ang oras dahil nakahinto rin ang lahat ng mga estudyante at lahat sila ay nakatingin lang sa iisang dereksyon.

Lumingon ako kung saan sila nakatingin at nakita ko ngang nakaupo sa pinakasentrong lamesa sila Stanley at Sashiko na nakatingin lang sa isa't isa. Ay hindi. Para bang nagtititigan sila sa isa't isa dahil ultimo yung pagkain na nasa harapan nila ay wala silang balak na pansinin pa iyon. Nasa malapit sa pwesto naman nila Stanley ang grupo nila Hershey, sa pagkakatanda ko Tres Malditas ang tawag sa grupo nila, nakatingin lang din sila kila Stanley na bakas na bakas sa mga itsura nila ang pagkairita. Alam ko naman kasi na ayaw nila kay Sashiko.

You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon