WARNING---Wag basahin to kung di pa nababasa yung Book 1. Swear hindi niyo to maiintindihan kung di niyo muna babasahin yung book 1 -_- Naexplain ko na labyuuuuu. Lol.
***
Kasalukuyan kong binabagtas ang kahabaan ng pasilyo sa ikatlong palapag, kung saan ang palapag para sa mga freshmen ng Hellena na kagaya ko.
"Omygod! Ang gwapo niya. Transferee ba siya?"
"Ohh my fuck! So Hot."
"Kyaaah~ ang gwapo."
Tilian at hiyawan ng mga kababaihan sa paligid ko. Wala akong ibang magawa kundi ang ngumiti lang sa kanila. Ang lahat naman ng mga kalalakihan ay kapwa nakasunod lang sakin ang mga mata nila. Tila ba inaalam nila kung sino ba ako.
Imbes na magtungo ako sa mismong classroom ko ay dumerecho pa akong maglakad hanggang sa pinakadulong classroom ng pasilyong ito kung saan naroon ang classroom ng mga CLASS F.
Saktong paghinto ko sa tapat mismo ng classroom ng Class F ay sakto din na tumahimik sa paligid ko. Tila ba naghihintay lang sila ng sunod na gagawin ko.
Glass door ang pintuan ng bawat classroom dito sa Hellena kaya naman kitang kita ko mula sa loob ang guro ng Class F. May sinusulat siya sa white board at nang matapos siya sa pagsusulat niya ay agad siyang napatingin sa pintuan kung saan nakatayo ako. Since glass door ang classroom kaya naman nakikita niya ako mula dito sa labas. Hindi ko na hinintay na lumapit siya bagkus ako na ang nagpresinta na buksan ang pinto.
"Excuse me, can I talk to Miss Tomoyo Fujiwara for a while?" Bungad ko pagkabukas ko ng pinto.
Ang lahat ng estudyante ng class F ay napatingin sakin---including her.
Tomoyo Jin Fujiwara-Nishikawa
"Hi Insan." Masayang bati ng pinsan ko sakin.
Nakaupo siya sa pinakaunahang row kung saan malapit sa pintuan kung san ako nakatayo. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos nun ay bigla siyang tumingin sa guro niya na nakatingin sakin.
Pagtingin ni Tomoyo sa guro niya ay siya namang pagtingin din sa kanya ng guro niya. Nagkatitigan lang sila sa isa't isa na tila ba nag-uusap sila sa mismong mga isipan lang nila.
Hindi ko mapigilan ang pagsalubong ng dalawang kilay ko habang pinagmamasdan ko ang guro nilang iba ang tingin kay Tomoyo.
Tsk! Sino kaya siya?
"Okay." Nawala ang pag-iisip ko kung sino ang guro na iyon nang marinig kong nagsalita siya at nakatingin na siya sakin.
"Tara Insan." Masayang bati ulit sakin ni Tomoyo kasabay nang paghawak niya sa kamay ko at hinatak na ako palabas ng classroom nila.
Bago ako tuluyang nahila ni Tomoyo papalabas ay isang sulyap pa ang ibinigay ko sa guro nila.
Nandito kami sa cafeteria ni Tomoyo. Oras ng klase namin ngayon pero nagpaalam naman ako sa Head Mistress na gusto ko munang makausap ang pinsan ko. Unang araw ko ngayon dito sa Hellena pero mas gusto kong lumiban muna sa klase para makausap ang pinsan ko.
Tatlong buwan na simula ng magsimula ang pasukan pero pinayagan pa rin ako na magtransfer dito. Mabuti at matataas naman ang grado ko.
"Kamusta na si ate Jyl ko?" Masiglang tanong ni Tomoyo sakin. Napangiti ako dahil sa kahyperan na ipinapakita niya. Tila ba masayang masaya siya dito sa Hellena.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...