Chapter 9 Temporary

27 4 0
                                    

Melanie...

Hanggang ngayon ay hiyang hiya pa rin ako sa nangyari. Binabagtas namin ni Mr. Epal ang Copper City gaya ng sinabi niya sakin na dadalawin namin ang pamilya ko para pormal na ipagpa-alam ako.


Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan. Ni ibaling ko paningin ko sa kanya ay di ko magawa dahil sa sobrang kahihiyan.

Akala ko kasi ay hindi ko makikita ang mga magulang ko hanggan sa matapos ang anim na buwan. Dagdag pa nitong magandang damit na ibinili niya at pinaayusan niya pa ko sa parlor bago kami umalis. Pakiramdam ko ang salba-salbahe ko sa kanya. Mistula akong batang sawayin na hindi marunong sumunod sa mga pinaguutos.

Pero ang sarap sa pakiramdam na nakalabas na ko. 'Yong tatlong araw kong pagkakakulong sa loob ng unit niya pakiramdam ko tatlong taon ang nawala sakin.

Naaliw ako sa mga nadadaanan namin habang nakasakay kami sa kotse. Dito ko na lang ibinaling ang atensyon ko kesa masira ang isip ko kakaalala ng mga nangyari.

"May ibibigay pala ko sa'yo,"

Bahagya pa kong nagulat nang basagin niya ang katahimikan naming dalawa.

Kinuha niya sa compartment ang isang bagay na nakalagay sa manipis na karton. At alam na alam ko kung ano yun bagay na 'yon.

"Teka mahal to ah, ito ba 'yon Promac?" Sambit ko habang pansamantala kong tinigilan ang pagrekisa ng mamahaling cellphone.

"Promax not Promac,"

Kinorek niya pa ko.

"Kailangan mo 'yan. Magagamit mo sa maraming bagay ang phone na 'yan hindi katulad ng gamit mong 3210. Itapon mo na 'yon." Sagot niya.

"Itapon agad? May sentimental value sakin yun phone ko na 'yon. Matagal na sakin ang 3210 marami na kaming pinagsamahan, marami na kaming nabudol, inakyatang bahay, nanakawan...."

"Stop! I don't wanna hear it anymore 'yan mga pinag gagawa mong mga ilegal noon. You will be train as a model kaya dapat kalimutan mo na yan mga likong gawain mo."

Nag-english na naman siya kaya tuloy nakatanga na naman ako sa kanya. Napansin niya ang reaction ko.

"I told you before na pinalilinis na ni Ms. Montecalvo mga police records mo. Kaya naman magbagong buhay ka na dapat." Patuloy niya habang nagmamaneho.

"Nakuwento ko lang naman kaya huwag ka na magalit. Nagagalit ka kagad eh."

"Napaka ano kunting bagay lang pinag-iinit agad ng ulo. Napaka mainitin ng ulo." Bulong ko.

"May sinasabi ka ba? Alam mo bang masamang ugali yun may sinasabi kang panget sa tao tapos hindi mo pinaririnig."

"Ha ako? Hoy wala ah ang ibinubulong ko kako binilhan mo ko ng ganyang phone eh hindi naman ako marunong gumamit nito." Pagkakaila ko.

"Sabi ko thank you."

Napakasungit!

Mahigit dalawang oras ang binayahe namin palabas ng Golden City. Nasa bukana ng Copper City ang lugar kung saan ako na tinatawag na looban.

Ang pinakamahirap na distrito sa Copper City. Mabaho, madaming basura, nagkalat ang mga batang di naliligo, naghambalang yun mga tambay na tadtad ng tatto sa katawan.

Kitang kita ko reaction ni Mr. Epal nang bumungad sa kanya ang kahirapan saming lugar. Sinampal kami ng kahirapan.


"Bakit?" Kunot noo kong tanong sa guwapo kong amo na nuknukan ng sungit.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon