Chapter 14 Misinterpret

26 4 0
                                    

     After one week na pansamantalang iniwan ni Razzo si Melanie sa hotel. Tinuon niya ang panahon sa pagbisita ng ibang construction site sa Davao at Cebu. Pagbalik niya ng Manila ay tumuloy muna siya sa mansyon upang bisitahin ang kanyang Lola na si Donya Amparo na may karamdaman.

     
       Wala siyang naabutan sa mansyon tanging ilang maids, security guard at hardinero lang ang naroon.

       Sinalubong siya ni Inday na isa sa matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya.

       "Naku Ser, nabigla po aku sa pagdateng nenyo pero parate ko naman po nililinis ang bahay ninyo." Aligagang sabi ni Inday kay Razzo.

    
       "It's okay naisipan ko lang na mag-stay muna dito saglit. Sasamantalahin ko na rin na makapagpahinga. May dala akong pasalubong galing ng cebu pakikuha na lang sa kotse ko." Saad ni Razzo habang tinatanaw niya sa kabilang ibayo ang sarili niyang bahay.

      "Sa makalawa pa po uwi ng Papa niyo. Magkakasama po sila ni Donya Amparo, Sir Wesley kasama po ang mga bata. Gusto po kasi nila magstay ng ilang araw sa private resort po ninyo." Dugtong ng kasambahay.

       Ang bahay ni Razzo ay may layong 20 metro mula sa Mansyon na pag-aari ng kanyang Lola. Sa likod naman ng mansyon matatagpuan ang naglalakihang mga bahay ng kanyang Tito Lorenzo at isa pang tiyuhin na nag-migrate na sa States. Isang malaking villa ang tahanan ng Pamilya Thompson. Pagpasok sa malaking gate bubungad ang mansyon at sa kaliwang gilid nito ang car park na kasya ang pitong sasakyan.

       Sa gitna nito ay malawak na bed grass kung saan ginaganap ang okasyon sa kanilang pamilya.   Ang bahay ni Razzo ay nasa pinakadulo at gitna ng villa na may ilang hektarya ang sukat. Kailangan pang lakarin ng mga maid ang bahay ni Razzo sa tuwing lilinisin ito o dadalhan siya ng pagkain. Gaya ng ginagawa ni Lyka noong nabubuhay pa.

       Muling tinanaw ni Razzo ang sarili niyang bahay na minsanan na lamang niyang natutulugan. Naalala niya ang mga panahon kung saan malimit niyang patagong pinagmamasdan si Lyka na naglilinis ng pool at nagwawalis.

      Parang flashback sa pelikulang naaalala niya ang masasaya at malulungkot na tagpo sa buhay nila ni Lyka. Naroon ang mga tagpong nag-aaway sila, naghahabulan at naghaharutan sa loob ng bahay. Isa sa mga hindi niya makakalimutan ang mga hindi maipaliwanag na kababalaghan nasaksihan niya noon kay Lyka. Naroon ang ilang beses niyang nakikita ang pagbabago ng anyo ni Lyka na nagiging buhay na maliit na manika.

         At makailang beses na tumatawid si Lyka sa magical portal upang iwan siya at tutungo ng Avarlone.

        Napatingala si Razzo upang pigilan ang pagtutubig sa kanyang mga mata. Masakit pa rin sa kanya ang pangyayaring sa mismong araw ng kasal nila, naganap ang propesiyang sinasabi sa kanya ni Lyka; na siya ang magwawasak ng mahiwagang mundo ng Avarlone kung saan nagmula ang Diyosa.

       Pinaslang niya ang pinakamamahal niyang babae na nagpabago sa kanya dahil sa sumpang bumabalot sa kanyang pagkatao. Mistula siyang halimaw na hayok sa dugo nang paslangin niya ang mga mamamayan ng Avarlone.

       "Ser, maiwan ko po muna kayo may kukunin lang po ako." Paalam sa kanya ni Inday nang mapansin ang pamumugto ng kanyang mga mata.

       Alam ni Inday na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ang amo niyang si Razzo kay Lyka.

       Nang iwan si Razzo ni Inday ay tumawid na siya sa kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto ng kanyang bahay ay malinis ang loob. Totoo ngang hindi pinababayaan ng mga kasambahay nila ang bahay na itinayo niya noong nag-aaral pa siya ng college. Sarili niyang pundar ang dalawag palapag na bahay. During his 2nd year in college sa kursong Civil Engineering ay nagbebenta siya ng mga designs ng bahay. One of the good qualities na mayroon si Razzo kahit na nuknukan ito ng pagiging maloko at nangongolekta ng mga babaeng naikakama niya ay sobrang talino ni Razzo. Complete package kung maituturing si Razzo, mayaman, basketball hearthrob at goal achiever. Kaya naman noon nang mapadpad niya sa mansyon nila si Lyka ay hindi niya lubos na maamin na gustong gusto niya si Lyka. Ayaw niyang maisipan noon na bumaba ang standards niya at pati ang katulong na na si Lyka ay pinatos niya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon