Chapter 30 Secret

22 0 0
                                    

      Naiuwi na namin si Inang sa bahay matapos ang ilang buwan niyang pagpapagaling sa hospital. Masayang masaya ako dahil ligtas na si Inang sa kanyang sakit. Sa bahay na lang niya itutuloy ang kanyang gamutan.

       Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Razzo kung hindi dahil sa kanya ay hindi matutupad ang pangarap ko. Masayang masaya ako para sa pamilya ko, sila lang naman kasi ang kaligayahan ko. 

        Mangiyak ngiyak pa si Inang nang maibaba namin siya sa taxi. Hindi siya makapaniwala na titira na siya sa napakagandang bahay.

         "Anak totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ko nanaginip lang." Tanong sakin ni Inang.

         "Inang totoo po lahat ng ito. Hindi ito basta panaginip lang. Magmula ngayon ay hindi na po tayo maghihirap pa." Masayang sabi ko habang nakaluhod ako kay Inang na nakaupo sa wheelchair.

         "Bigtime na itong kumare ko Aling Mariana. Malapit na siyang siyang sumikat.  Kung hindi niyo lang alam lalabas na sa TV commercial niya." Singit ni Laarni na kasama kong sumundo kay Inang sa hospital.

        "Totoo ba iyan Melanie malapit ka nang makita sa TV?" Gulat na gulat na nagtanong sakin ni Inang.

         "Sa sumunod na anim na buwan pa daw iyon lalabas sa TV. Ie-edit pa daw iyon sabi nila sakin." Tugon ko naman.

         "Naku mabilis lang ang anim na buwan at naeexcite na ko pag nangyari na iyon. Ako ang pinaka proud mong kaibigan kung saka-sakali." Tuwang tuwa sabi ni Laarni na halos kiligin pa sa sobrang tuwa.

         "Melanie, anak napakasuwerte talaga namin sa iyo. Hindi ko alam kung paano ka namin mapapasalamatan ng Itang mo at mga kapatid mo." Naluluhang sabi ni Inang.

         "Inang ano ba iyang salita niyo? Bakit niyo ko pasasalamatan? Bilang Ate katungkulan kong tulungan kayong mga magulang at mga kapatid ko. Di ba noon pa sinasabi ko sa inyo na lahat gagawin ko para lang maiahon ang pamilya natin sa hirap." Sagot ko naman.

         Pinunasan ko pa ang luha ni Inang nang di na mapigilan niyang umiyak.

        "Ang Inang simula nang ma-ospital naging maramdamin na masiyado. Naninibago tuloy ako sa inyo." Sabi ko.

        "Bakit naman anak?" Kunot noong tanong sakin ni Inang.

        "Kasi naman hindi niyo normal yang pagiging iyakin. Namimiss ko na pagiging bungangera niyo Inang. It's not normaly you Inang. The design is very unauthentic." Biro ko.

        "Wow iba na talaga kumare ko umeenglish-english ka na ngayon." Sabi sakin ni Laarni.

       "Kakakasama ko ito sa jowa ko nakakapulot ako sa kanya ng mga english word." Wika ko.

        Parehas nanlaki ang mga mata ko nang mapagdilatan din ako ng mga mata ni Inang at Laarni.

         "Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Pagtataka ko.

          Naku hindi nadulas ako dapat ay amo ang sinabi ko at hindi ang salitang jowa.

         "May jowa ka na Melanie?" Sabay na tanong sakin nila Inang at Laarni.

         Napahawak na lamang ako sa labi ko. Sinubukan kong magpalusot ngunit di ako umubra kay Inang.

        "Yung among guwapo mo ba ang jowa mo. Nobyo mo na ba siya Melanie?" Tanong sakin ni Inang.

       "Naku sabi na nga ba eh bet ka naman talaga ni Pogi. Kailan pa naging kayo?" Tanong naman sakin ni Laarni.

        Mukhang di na ko makakalusot sa kanila. Paano ba naman eh certified maritess si Inang at Laarni sa aming lugar.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon