(Few Weeks after Goddess Zulyka died...)
"Cuz gising na, halika na pumasok na tayo."
Franco was gently tapping my legs para ako'y gisingin but I still close my eyes dahil until today ay wala pa rin akong balak pumasok. Wala na kong gana sa buhay matapos mawala sa buhay ko si Lyka. Ayaw ko nang mabuhay, I couldn't find reason to move on at magpatuloy pa sa buhay ko. All I wanna do is to stumble in my messy room.
Franco was still tapping me to wake up.
"Next week finals na kapag hindi ka nakapag exam babagsak ka sa mga subjects mo."
"Wala akong pake kung bumagsak ako just leave me alone." Bulong ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. May kung sino pa ang pumasok na sa tingin ko gaya ng araw araw na nangyayari ay pipilitin nila akong pumasok sa school.
Tinakpan ko ng mabaho at nanlilimahid na unan ko ang tengga ko. Ayaw kong marinig ang anu man sasabihin nila sakin.
"Anak ang Yaya Julia mo ito, sige na anak pumasok ka na sa school, para maayos at malinis ko na rin itong kuwarto mo." Dinig kong sabi niya.
"Umalis na kayo." Mariing sabi ko.
"Anak, Razzo nalulungkot akong nakikita kang ganyan. Magbalik ka na sa dati."
Dala ng inis ng pagkawala na ng antok ko ay nag ipon muna ako ng lakas para bumangon. Pag bangon ko ay ibinato sa study table ko ang unan na nakatakip sa ulo ko.
"Ang sabi ko, leave me alone! Malabo ba intindihin yun. Huwag niyo kong istorbohin. Wala na akong balak pumasok, wala na rin akong balak na kahit ano sa buhay ko. Now would you mind gusto kong mapag isa!"
Matapos kong sigawan sila Yaya Julia at Franco ay bumalik ako sa pagkakahiga saking kama.
Ilang segundo pa ang nakalipas nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Papa sa damit kong sando.
"Ganito na lang ba gusto mong gawin sa buhay mo, ang magmukmok at sirain ang sarili mo."
Nanlilisik ang mga mata ni Papa sakin habang nakatiim bagang ang kanyang bibig.
"Julian huwag mo naman saktan ang apo ko, intindihin mo naman ang sitwasyong pinagdadaanan niya. It's not easy to anyone na malimutan ang nawalang pinakamamahal natin sa buhay." Awat-awat ni Grands si Papa na halos kulang na lang eh saktan ako.
"Pero hindi yun rason para mawalan ka na ng respeto sa yaya mo!" Mariin sabi ni Papa.
"I said, I wanna be alone bakit hindi niyo ba maintindihan yun na gusto kong mapag isa. Bakit wala bang nakakaintindi sakin na nasasaktan akong nawala sakin si Lyka."
I felt the watery in my eyes while I'm explaining them.
"Hindi ba obvious. Im struggling and in pain, I find it hard coping to continue my life nang wala si Lyka." Sigaw ko.
"Kaya ba ganito na lang gusto mo mangyari sa buhay mo. Look at you mistula ka ng ermitanyo! Napakabaho at napakadumi ng kuwarto mo, kailan mo pa gustong magmove on sa pagkakawala ni Lyka tuluyan ng nasira ang ulo mo." Sigaw sakin ni Papa.
"Hindi ko gustong maging ganito ako. Nahihirapan ako Papa hindi ko kayang tanggapin wala na si Lyka..." tiningnan ko isa-isa sila Franco, Yaya Julia at si Grands. Malungkot ang mga mukha nila, parehas sila Yaya Julia at Grands na niiyak na dahil sakin.
"Lahat tayo nalulungkot sa pagkawala ni Lyka pero kailangan pa rin natin mamuhay ng maayos at ipagpatuloy ang buhay natin." Giit ni Papa.
"Ang galing-galing niyo para sabihin sakin yan palibhasa kasi hindi kayo ako. Hindi niyo nararamdaman ang paghihirap ko kung sabagay wala nga kayong pakialam noon kay Mama hindi ba." Pabalang kong sagot kay Papa.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...