Chapter 49 Ang Lihim ni Razzo

22 2 0
                                    


     Pumasok ang isang barista sa loob ng office kasalukuyan akong nagbabayad ng cheque sa mga suppliers.

     "Mam Melanie excuse me po, may client po na gusto kayo makausap." Diretso lapit sakin ng pumasok na barista.

      "Ako? Para saan daw?"  Tanong ko naman.

      "May complain sa service natin?" Usyuso ni Trisha na nakita kong nakasilip sa ibabaw ng mababang division ng cubicle dito sa office.

       "Hindi po Mam eh wala pong sinabi. Basta po gusto lang po kayong makausap." Sagot ng empleyado naming barista.

    
       "Sige tapusin ko lang ito, pipirma lang ako tapos susunod na ako."

      "Okay po Mam." Paalam sakin ng barista.

       Habang pinipirmahan ko ang cheque ay pumasok naman sila ni Tiffany at Anne.

     
       "Nandiyan si Franco sa labas." Entrada ni Tiffany sa loob ng office.

     
      Kinikilig pa ito sa sobrang tuwa
Malamang ay nakakakita na naman siya ng guwapong customer.

       "Oh nandiyan si Franco? Guwapo pa rin ba?" Tanong ni Trisha.

      
       "Ay super sobrang guwapo na niya ngayon. Nakakalaglag ng panty parang gusto ko na nga ialay ang virginity ko sa kanya." Malanding sabi ni Tiffany.

 
       "Bakla sa lagay mong yan virgin ka pa ba?" Natatawang sabi ni Anne.

    
       "Oo naman Ses kahit i-check mo." Malokong sabi ni Tiffany.

       "Saan? Sa tengga?" Sagot naman ni Anne na pinatulan ang kalokagan.

       "Uy may ibang tao kayo talaga." Saway ni Trisha.

        Saka lamang napalingon sila Tiffany at Anne sa lugar ko. Nasa bandang likuran ng opisina ang cubicle ko. Hindi nila nakita na may kausap akong supplier. Nagkakangitian lang kami ng supplier dahil sadyang nakakatuwa talaga si Tiffany.

        "Sige po Mam, thank you po." Sabi ng kausap kong supplier.

        "Sir thank you din po. Sana po laging maaga delivery niyo para hindi kami kapusin ng stocks." Request ko.

       "Sure po Mam priority po namin kayo talaga. Malalagot po kasi ako kay Sir Razzo kapag nagdelayed kami ng delivery sa inyo." Sagot niya.

       "Naku huwag niyo po intidihin si Razzo sa totoo lang mabait ang magiging hubby ko."

      
        "Hubby niyo po si... Sir Razzo?" Nagtatakang tanong sakin ng supplier.

        "Opo soon to be merrid na po kami." Sagot ko naman.

   
       Hindi ko mawari reaksyon ng supplier namin ng mga gind coffee beans nang sabihin kong asawa ko si Razzo.

        "Ahh... best wishes po sa inyo ni Sir. Sige po Mam hindi na po ko magtatagal. May dadaanan pa po kong ibang mga kliyente po." Paalam sakin ng supplier.

        Pagkalabas ng supplier ay agad kong nilapitan sila Anne. Kasalukuyan pa rin nilang pinagkukuwentuhan ang lalaking nagngangalang Franco.

  
        "Sino yun pinag-uusapan ninyo?" Tanong ko sa kanila.

      
       "Nandiyan po sa labas pinsan ni Sir Razzo nasa al fresco." Sagot ni Anne.

        "Ha bakit di niyo pinapasok para naman makita niya itong loob ng coffee shop?"  Pagtataka ko.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon