Chapter 18 The Runway (Part 1)

21 0 0
                                    

Melanie...

        Alas kuwatro ng hapon nang marating namin ang pinakamalaking stadium dito sa Golden City. Saan ko mang ibaling ang paningin ko nagkalat ang mga security sa buong paligid ng stadium. Mahigpit ang pagbabantay sa gaganaping fashion show mamayang gabi palibhasa kasi lahat ng matataas at mayayamang lider ng Mafia Community ay manonood.

        Tahimik kami kanina sa biyahe full force akong sinamahan nila Anna, Trish, Tiffany kasama din ang matandang baklang trainor ko na si Strawberry at ang kaibigan kong si Laarni para bigyan ako ng moral support.

       Malalim ang iniisip ko simula pa kagabi sa grand rehearsal hanggang sa pagbiyahe namin papunta dito sa stadium. Paulit-ulit kong iniisip ang sinabi sakin kahapon ni Mr. Epal na babayaran na lang niya 'yong kontrata at hahayaan na niya akong umalis.

        Aaminin ko sa totoo lang nalulungkot ako.... Nalulungkot akong isipin na magkakahiwalay na kami ni Mr. Epal, halos dalawang linggo pa lamang kaming magkasama at aaminin kong may nararamdaman ako para sa kanya. Hindi ko alam kung paano at bakit nahulog ang loob ko sa kanya, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Umiibig ako sa isang taong imposibleng maging akin, Mayaman siya samantalang ako mas mahirap pa sa daga. Pero hindi ko alam kung bakit tumitibok ang puso ko sa taong masungit, parating galit at iniisip lang ang tungkol sa fiance niya na matagal ng namatay.

       Napakabobo ko talaga para umibig kay Mr Epal.

       Dalawang linggo pa lamang kaming nagsasama at heto maghihiwalay na ang mga landas namin. Para akong humiling kay Fairy God Mother ng Prince Charming pero pansamantala lang binigay niya para sakin. May expiration si Mr. Epal, napaka unfair talaga sakin ng mundo. Una si Mr. Chinito na pinaasa lang ako at naglaho nang parang bula. Tapos heto si Mr. Epal maghihiwalay na kaming dalawa. Ni wala pa ngang masiyadong nakakakilig na nangyayari samin at puro kami away ngayon The End na.

        Pagpasok namin sa gitna mismo ng stadium nakita kong nakahanda na ang runway na rarampahan namin mamaya. Agaw eksena ang napakalaking screen sa gitna na ang likod nito ay backstage kung saan kami lalabas mamaya. Napansin ko din ang mga makukulay na liwanag naglalaro sa loob ng stadium. Nagpagilalas sakin ang mga mga camera at ilaw na  kusang gumagalaw na sa TV ko lang napapanood. Sa pagmamasid ko pa nakita ko din na abalang abala ang mga staff sa paghahanda ng fashion show.

        Nang malapit na naming marating ang pinto ng dressing room nagpaalam na sakin sila Laarni, Trish at Anna na mauupo na sila sa gilid ng runway.

       This is it pansit, magaganap na mamaya ang pagrampa ko. Nagsimula nang mangatog ang mga kamay at tuhod ko sa sobrang kaba para. Kinakabahan talaga ako ng sobra.

       Pagbukas ng isang lalaking tila bouncer sa bar dahil sa sobrang laki  ang katawan. Napaatras ako nang makita ko ang loob ng dressing room.

      "O, o, o. Ngayon ka pa aatras Melanie nandito na tayo sa loob." Dinig kong sabi ni Strawberry sabay diin niya sa likuran ko para pumasok ng dressing room.

      Sa gitna ng malaking dressing room makikita nakaupo lahat ng mga kasama kong models. Nakahilera sila magkabila at bawat isa inaayusan ng buhok at nilalagyan ng kolorete ang mukha.

      "Kumilos na tayo Melanie maupo ka na sa bakanteng upuan na 'yon." Utos sakin ng trainor kong si Strawberry sabay turo sa bakanteng upuan.

      Papalapit pa lamang ako nang pagtinginan ako ng mga baklang make-up artist. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka na kulang na lamang ay tanungin ako kung bakit ako nandito. Hinayaan ko na lamang silang pagtinginan ako at naupo na lamang ako.

       Babatiin ko sana ang mga nasa tapat at nakatabi kong mga modelo ngunit ganun din ang reaction nila gaya ng mga make up artist. Nagtatawanan pa sila sabay bulungan sa isa't isa.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon