Razzo....
Day by day minomonitor ko pa rin ang activities ni Melanie, alam ko lahat ng nasa schedule niya. Dumating sa punto na naaawa ako sa kanya dahil nakikita ko ang pagod niya buong araw. Sa umaga'y nagpupunta siya sa gym at sa hapon naman iginugugol niya ang mahabang oras sa rehearsal. May ipinadadalang picture sakin si Anna na tulog na tulog si Melanie sa sasakyan habang patungo sila sa hospital. Pagod na siya sa buong araw at magbabantay pa siya sa Mama niya.Hindi ako mapakali everytime na naiisip ko siya. Oo nga't nagrereport naman sakin sila Anna and Trish but I still want to talk to Melanie paraasiguro kung kaya pa ba niya. Nag-aalala akong baka siya naman ang magkasakit.
Kaya nitong mga nakaraang araw I secretly stalked her. Palihim ko siyang sinusundan kahit saan. Mula sa pagjojogging sa park, workout niya sa gym and even having a breaktime sa convenient store kasama sila Trish, Anna and Tiffany. Nalamang kong sumusunod na siya sa lahat ng ibinibilin sa kanya ng fitness trainor niya. Umiiwas na siya kumain ng mga nakakatabang pagkain.
One night naisipan kong lumabas nakita kong lumabas din ng unit si Melanie. Sinundan ko siya kung saan siya pupunta until pumasok na siya ng elevator. Nagmadali akong sumakay sa kabilang elevator I was thinking kung may balak na naman siyang umalis kasi mag-isa lamang siyang bumaba at walang kasama. But she was heading on the convenient store maybe she was starving.
Sinundan ko siya sa loob ng convenient store at mabilis na nagtago sa isang gondola shelves. Tanaw na tanaw kong namimili siya sa fridge ng mga bibilhin. Kumuha siya ng chocolate bar, ice cream, canned softdrinks at pati cornchips na naalala kong kinakain niya noon nang sitahin ko siya.
Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sila Anna na para sitahin na nakapuslit sa kanila si Melanie.
Sinagot ni Anna ang tawag ko at habang nagtatanong ako sa kanya naramdaman kong may dumudutdot ng balikat ko.
"Wait can't you see my kausap pa ko." Sabi ko sa taong kumakalabit sakin. Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-usap ko kay Anna kahit patuloy na may kumakalabit sakin. Muli kong tiningnan si Melanie pero bigla na lang hindi ki na siya makita maski sa counter ng convenient store.Nagkaroon na ko ng hinala kung sino ang taong kanina pa kumakalabit sakin.
Nagulat pa ko nang lingunin ko si Melanie na ang sama ng tingin sakin.
"Sinusundan mo ba ko? Di ba may kasunduan tayo na huwag mo kong lalapitan kahit anong mangyari!" Inis na tanong niya sakin.
"Excuse me Miss Bardagulan at bakit naman kita susundan? Anong dahilan para sundan kita?" Ganting tanong ko sa kanya.
"Umamin ka na magsisinungaling ka pa eh nakita ko repleksyon mo sa elevator. Di ba bago ako sumakay ng elevator lumingon para hulihin ka kaso nagtago ka pa nga di ba."
What the fact all along habang naglalakad siya alam niya pa lang sinusundan ko siya. Nagmistula tuloy akong kawawang asong sumusunod sa kanya.
"May bibilhin din ako kaya nagpunta din ako dito sa convenient store. Huwag kang mag-iisip ng kung anu-anong." Pagduduldulan ko sa kanya."Talaga ba? Kaya pala kausap mo si Anna at nagtatanong ka kung bakit ako nandito." Sabi niya sabay agaw sakin ng phone ko.
"Hoy akin na phone ko!" Napaka talaga ng babaeng ito."Hello, Anna bye-bye ka na sa boss mong parang ewan. Pabalik na ko sa taas magbabayad na ko. O ayan na phone mo saksak mo sa baga mo."
Halos ihampas niya sa dibdib ko ang phone ko at basta na lamang niya akong iniwan. Wala akong nagawa kung hindi bumili ng kung anong mabibili ko sa convenient store.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...