Melanie...
"Anak Melanie, marami ka nang nagawa sa pamilya natin lahat na isinakripisyo mo. Ngunit sa pagkakataong ito kailangang kailangan ka namin lalong lalo na ang Inang mo, Pakiusap anak ayaw ko pang mawala ang Inang mo..."
"Huwag kang panghinaan ng loob friend may maawa ang Diyos kumapit ka lang ng mabuti sa kanya hindi kaniya pababayaan."
"Manhid ka ba talaga? Hindi mo ba nararamdaman na may gusto sa'yo si Razzo. Kahit sinong lalaki walang mag-eeffort ng lahat ng ginawa sayo para matulungan ka lang, si Sir Razzo lang."
"Alam mo bakla the fact na kamukhang kamukha mo ang mommy- mommy namin noon, hindi malayong mangyaring magka gusto sayo si Daddy Razzo. Mabait si Daddy Razzo kung makikilala mo lang siya ng husto. Kung napatol lang siya sa mga beki ay naku uwian na, ako na ang winner!. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik at lalapain ko na siya. Ang yummy pa naman ni Daddy Razzo tapos chusi ka pa award ha!"
Ito ang mga salitang pilit na umaalingawngaw saking isipan habang nasa biyahe ako. Para kong lumulutang habang naglalakad papasok ng marangyang hotel ni Mr Epal. Wala na kong pake kung pagtinginan ako ng mga tao. Alam kong dahil 'yon sa pamumugto ng mata ko.
Maraming bagay ang umiikot sa isip ko pero ang tanging gusto ko lang gawin ay mailigtas si Inang.
Pagdating ko sa Hotel unit ni Mr. Epal napahinto muna ako saglit dahil nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Mr. Epal para hingan ng tulong. Napakalaking halaga ang hinihinging halaga para sa operasyon ni Inang.
Kung ano man ang magiging kapalit ng paghingi ko ng tulong kay Mr. Epal, hinanda ko na ang sarili kong maging alipin man niya.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako kusa na kong pumasok dahil alam ko naman ang passcode ng unit niya.
Madilim ang sala na bumungad sakin at tanging liwanag lang mayroon ay nasa dining area. Naroon si Mr. Epal na nakatanaw sa balcony. Napansin kong umiinom siya ng alak at nakasuot lamang siya ng bathrobe."It took 4 hours bago ka pumunta dito sa unit ko. Ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Don't you really understand kung gaano kadelikado ang lagay ng Mama mo?"
Halata sa tinig ni Mr. Epal kung gaano siya nag-aalala sa Inang ko. Kalmado ngunit mabigat ang hatid sakin nito. Ganun pa man, nakahinga ako ng maluwag nang maisip kong bukas pa rin ang mga palad ni Mr. Epal na tulungan ako.
"Wala ka ba talagang balak ayusin ang buhay mo?" Bulyaw sakin ni Mr. Epal nang hindi ko siya sinagot.
Nananatiling nakatalikod sakin si Mr. Epal at dahil sa ipinakikita niya ngayon ang kanyang galit. Biglang nawala na ang pag-asa kong tutulungan niya ako dahil ginalit ko na naman siya.
"Ilang ulit ko nang ipinaliliwanag sayo, na gawin mo lamang ang hinihingi ko at sinisuguro ko sayong gaganda ang buhay mo." Sabi ni Mr. Epal sakin.Sa sobrang bilis ng pagbabago ng reaction niya hindi ko magawang sagutin ang lahat ng mga salitang ibinabato niya sakin.
Sa isang iglap bigla na lamang niya akong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat ko."Pero ano na naman itong nalaman ko, nagbalak ka naman umalis kanina. Balak mo ba kong iwan ulit? Balak mo na naman ba kong takasan ha!"
Iba na ang ikinikilos ni Mr Epal. Oo inaamin kong ilang beses ko na siyang tinakasan, ilang beses kong pinag-isipan kung paano ako makakaalis sa poder niya. Pero kakaiba ang nadarama kong sa mga binibitawan niyang mga salita sakin. Hindi ko mawari kung saan ang pinanggagalingan niya o sumusobra naman siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...