Nagulat ako at mga tumador din pala ang mga kapwa ko modelo. Ang bilis ng transition mga Mare. Magkakaibigan na kami lahat akalain mo 'yon, ganoon talaga sa inuman mga Mare kahit 'di mo kakilala maya-maya kaibigan mo na. O kaya naman kahit hindi ako imbitado mga Mare, pasilip- silip kunware sa may okasyon kahit hindi ko kilala naaaya na lang ako bigla sa kainan. At siyempre mga Mare ang mapalibre sa inuman.
Kanya-kanya na nga kami ng chikahan mga Mare go lang ako kahit di ko nakakasabayan sa mga englishan nila. Isang long table na nga kaming magkakaharap na nag-iinuman. Panay tawanan at picturan pa ng iba. Si Brazilian na kung makapagpost hawak ng bote ng wine parang pang kalendaryo lang. Hindi na bago sakin ang biglang magdradrama sa sobrang kalasingan heto na nga Mare si Ms. France umiiyak na nakayakap sakin ay panay kuwento sa mga naging ex niya. May hindi rin papaawat sa lakas uminom si Ms. Korea at German. Balita ko sa Germany kahit umaga bukas ang bar nila.
Sa gitna ng kasayahan namin ay may isang bagong dating. Blondie ang buhok at kung makapagbihis ng tube na damit ay luluwa na ang dibdib niya. Ewan ko ba kung sino itong si Blondiena at mukhang kilalang kilala siya ng lahat panay beso beso kung kani-kanino.
De-deadmahin ko na nga lang sana siya mga Mare kaso may pagkasiga din itong si Blondiena. Pilit niyang pinapaalis ang isa sa mga kasama naming nakikipag-inuman. Nang hindi niya mapilit mapaalis sa kinauupuan ay hinatak na lamang niya ito bigla.
Nagalit naman ang ibang kasamahan kong mga modelo. Kinumpronta nila si Blondiena pero may pagka palaban talaga itong gaga. Itinulak niya din ang mga kasamahan ko kaya nagsimula ang gulo.
Tumayo ako agad para lapitan ang babaeng feeling entitled masiyado. Bibigwasan ko sana siya pero bigla na lang may humatak sakin.
"Mr. Epal???"
Kaagad akong kinaladkad ni Mr. Epal palayo sa sobrang hilo ko nga ay nagpatianod na lang ako kung saan niya ko dadalhin.
"Teka saan mo ko dadalhin?" Apela ko nang makarating kami sa elevator.
"Uuwi na tayo." Mariin niyang sabi sakin."Ayaw ko pa, gusto ko pa uminom bumalik na tayo doon." Pagpupumilit ko.
Pagbukas ng elevator ay buong higpit niya akong hinatak papasok.
"Ano bang problema mo napaka-kj mo naman. Ngayon nga lang ako nakadalo sa ganoong okasyon basag trip ka naman." Reklamo ko habang sumisinok sinok pa ko sa kalasingan.
Binalak kong pihitin nag button ng elevator para magbukas ngunit mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"Aray ko ano ba!"
Masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kitang kita ko mukha niya na wala siyang balak pabalikin sa okasyon.
"Your too wasted, the last time na nalasing ka napaka wild mo. Nakita pa kitang susugurin mo pa 'yong...yong... babae." Sai niya."Eh paano napaka epal ng babaeng iyon. Akala mo kung sinong bigla na lang darating para mang-away at manggulo." Pabalang kong sagot.
"There, that's exactly the reason! kung bakit kita inilayo dahil alam kong malaking gulo mangyayari. Gagawa kang eskandalo."
Nakita ko ang sama ng mukha ni Mr. Epal kahit napaka guwapo niya. Wala talaga siyang balak bitawan ako kaya naman pagbukas ng elevator ay kumapit ako para hindi niya tuluyan mahatak papunta sa basement parking.
"Naman to o sige na hindi na ko susugurin 'yon pababayaan mo na lang 'yong babae. Iinom na lang ako." Pagpupumilit ko.
"No I will not let you na makasalamuha mo ang babaeng iyon. Hinding hindi." Mahigpit na tutol niya.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...