Chapter 31 To Be With You

14 0 0
                                    


      "Anong gagawin natin dito sa theme park? Akala ko ba kakausapin mo ang kliyente."

        Pagtataka ko nang maipasok na ni Razzo ang sinasakyan naming sasakyan. Nang maiparada na niya sa parking lot ay ipinaliwanag niya sakin na ang kumpanya niya ang gumawa ng theme park. Nagkaroon daw kasi ng problema sa isang rides dahil may bumigay na pipeline,  kaya bilang chief engineer at may-ari ng construction firm ay aasikasuhin niya ito ngayon mismo.

       Hay akala ko pa naman makakapag date kaming dalawa baka tumunganga lang ako dito.

       Napansin ni Razzo ang biglaang pagbabago ng mood ko.

       "We won't take long in no time. Aalis tayo agad." Masayang sabi niya sakin sabay haplos ng palad niya sa pisngi.

        Eeeeehhh nakakakilig naman iyon.

        Kulang na lang ay maglulundag ako sa kilig na nararamdaman ko para kay Razzo.

        Infairness gumagana talaga ang salamangka ko sa kanya. Mabibihag ko na talaga ang lalaking ito.

        Nakakatuwa lang isipin ang buhay. May bigla na lang nangyayari nang hindi mo inaasahan. Akala mo sa buhay ay puro paghihirap at kapangitan ang nangyayari. Katulad namin ni Razzo na puro away noon at ngayon ay magjowa na kami.

       Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka masuwerteng babae sa mundo. May sobrang guwapo na kong boyfriend at napakayaman pa.

      Matapos akong pagbuksa ng pinto ng kotse ni Razzo ay kaagad akong umangkla sa braso. Napansin ko kasi na maraming kababaihan ang sobra kung makatitig kay Razzo. Halos hubaran na nila ang jowa ko.

       Mine!

       Mine!

       Mine!

       Sigaw ng utak ko na parang nakikipag unahan ako sa pagbili sa isang online seller at ang itinitinda ay si Razzo.

       Tinaasan ko pa ng kilay at pinakita kong very proud ako na naging jowa ni Razzo.

        Habang patungo kami sa sinasabi niyang may nasirang pipeline. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ilang empleyado ni Razzo na naroroon. Kagaya ng sekretarya, si Wilfred at si Mang Berto.

       Bigla akong nakadama ng hiya nang maalala ko ang ginawa ko kay Razzo sa loob ng opisina niya.

Throwback

       
"Ano ba?! Kukunin ko lang iyong gamit ko. Paki naman." Inis na inis na sabi ko dahilan para magulantang silang lahat.

Nashock ang lahat sa ginawa ko. Maski ang mga nasa labas ay nakatingin sakin. Nagsalubong ang kilay ni Mr. Epal nang tapunan ko siya ng tingin.

Hindi ako nagpasindak sa makakapal niyang kilay na magkasalubong. Oo mali ang ginawa ko pero hello nagmumukha na kong tanga sa kakahintay sa kanya.

"What's your problem? Can't you see were so busy." Nanlilisik pa ang mga mata ni Mr. Epal na nakatitig sakin.

Tumayo ako at hinarap ko ang nagpipigil sa galit sa na mukha ni Mr Epal, "Alam ko busy kayo pero importante din ang lakad ko. Kanina pa sana ako nakaalis kung iniabot mo na sakin yan hand bag ko." Pabalang kong sagot.

Napangiwi ang bibig ng mahaderang sekretarya. Sinesenyasan naman ako ni Sir Wilfred na kumalma. At lalong nanlisik naman ang mga mata ni Mr. Epal na tipong sasabog na sa galit sa inasal ko.

Napahawak sa sentido si Mr. Epal, pinasakit ko ba ulo niya? Malay ko. Pero huwag ako mas marami akong nainom na alak kagabi kaya mas masakit din ulo ko kaya umayos siya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon