Chapter 11 Mistaken

25 4 0
                                    


"Melanie I would like you to meet Coach Raphael. He is the celebrities fitness trainer halos lahat ng mga models, artist and mga sumasali sa beauty pageant ay dumaan sa kanya. He is the best coach sa buong Pilipinas. He will help you to shape up kaya susundin mo siyang mabuti."

Isang matangkad, mestiso at bato-bato amg katawan ang ipinakilala sakin ni Mr. Epal na magiging trainor ko sa gym.

Iginala ko ang paningin ko sa napakalaking gym. Mangilan-ngilan lang ang mga nakikita kong babae at puro lahat ay lalaki. Lahat sila ay nakatingin sakin. Hindi ko mawari kung anong mayroon sakin kaya nila ako tinitingnan.

"Personal trainor ko din si Coach Raphael. I know you will be in good hands habang nagtri-train ka dito." Saad ni Mr. Epal.


"Training? Bakit ako magtri-training?" Nagtatakang tanong ko.

"Ahm excuse me coach kausapin ko lang siya," Pagkapaalam ni Mr. Epal sa kausap namin na magiging coach. Nilapitan ako ni Mr. Epal sabay dahan-dahan akong kinausap sa sulok.

"Training din ang tawag dito sa gym. Mag-uundergo ka ng fitness program para mawala 'yan mga taba-taba sa katawan mo." Bulong niya sakin.

"Sumunod ka na lang tama na puro apela. okay?" Mariing sabi sakin ni Mr. Epal.

Binalikan namin si Coach Raphael na magmula pa kanina ay nirerekisa ang buong katawan ko.

"Sir Razzo madali lang naman ang program kay Ms. Melanie. 3 to 4 weeks toned na body niya. Sabayan na lang proper diet maachieve na desired weight ni Ms. Melanie." Sabi samin ni Coach Raphael.

"Kaso you need to lift up some weights, iba na kasi ang trend sa modeling ngayon. Kailangan sporty na rin para malalakas ang mga muscles, you need to carry big wings na kadalasan mas mabigat pa sa body weight ng isang model." Dagdag pa niya.

"So I guess mukhang okay na kayo. I need to go now to my office at marami pa kong aasikasuhin." Paalam samin ni Mr. Epal.

"Yeah puwede mo na kami iwan Sir Razzo, ako na po bahala kay Ms. Melanie," sang-ayon ni Coach Raphael.

Hinarangan ko si Mr. Epal nang bigla na lamang siyang tumalikod para umalis. "Teka-teka, hindi mo ba ko sasamahan dito?" Tanong ko sa kanya.

"Anong sasamahan pinagsasabi mo? Bulag ka ba? Nakikita mo ba suot ko? Mukha ba kong mag-gigym sa lagay na to?" Masungit na sabi sakin ni Mr. Epal.

Tiningnan ko ang suot ni Mr. Epal, nakasuot siya ng terno na coat na kulay kape na nilagyan ng gatas na may mga maliliit na checkered stripes na parang tahi lang.

Sobrang guwapo niya sa suot niyang terno na coat. Ang galing niya magdala ng damit na kahit anong isuot niya at bagay na bagay sa kanya. Naamoy ko din ang mamahaling pabango niya nang bulungan niya ako.

"Huwag na huwag kang magpapasaway kay Coach Raphael, Binabalaan kita."

Bago lumabas ng gym si Mr. Epal tinuro niya pa mga mata niya gamit ang kanyang dalawang daliri sabay turo din sakin. Tila nagsasabing babantayan kita.


"Dito tayo Ms. Melanie, itu-tour muna kita sa mga equipments at facilities dito sa gym."

Habang nagsasalita si Coach Raphael ay sumusunod ako sa kanya habang iniikot niya ko sa buong gym.

Lupaypay agad ang dila ko sa unang exercise na pinagawa niya sakin. Sumunod ang pagbuhat ng mabigat na bakal na hugis bilog habang umiiskwat. Pampalaki daw yun puwet at balakang.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon