"Tapos mo na picture-an lahat?" Tanong ni Melanie sa kaibigan niyang si Laarni na nakaupo sa magkakadikit na upuan ng pasilyo ng hospital.
Kakatulog lang ng Inang ni Melanie kaya iniwan niya muna ito sa loob ng ICU.
Inabot sa kanya ni Laarni ang phone at ang diary na kinuha niya sa unit ni Razzo.
"Oo napicture-an ko lahat ng pages. Kanino bang diary 'yan? Sana pina-xerox mo na lang." Tugon ni Laarni matapos siyang tabihan ni Melanie ng upo.
"Sa fiance iyan ng amo ko ninenok ko." Sagot niyahabang ipinapasok sa hand bag niya ang diary.
"Hindi ko kasi puwede ipa-xerox yan dahil uusyusuhin ako ng mga tapat na alagad ng amo ko kung ano binabasa ko. O di ba kung picture lang sa phone ko siyempre di nila aakalain na may gingawa akong pagmamaritess sa buhay ni Mr. Epal, katulad nito hindi obvious parang may kinakalikot lang ako sa phone ko." Dinemo pa ni Melanie kay Laarni kung paano niya babasahin ang kopya ng diary na nasa phone niya.
"O sa fiance pala ng amo, eh bakit kailangan mo pang basahin nilalaman ng diary na yan?" Tanong ni Laarni. Si Laarni ang tipong hindi mauubusan ng tanong. Katulad din siya ni Melanie na usisera sa mga tsismisan sa sariling tindahan at mga kaganapan sa kanilang lugar.
"Wala lang trip ko lang." Wala siyang maisagot kay Laarni na naging dahilan para ngitian niya siya ng kaibigan ng makahulugan.
"Interesado ka lang sa buhay ng fiance ng amo. Siguro may gusto ka sa amo mo 'no kaya gusto mo malaman naging love story nila." Natatawa sabi ni Laarni.
"Ano? Wala ah. Bakit naman ako magkakagusto sa mokong na 'yon." Pagkakaila ni Melanie ngunit sa totoo lang habang tumatagal ay nagkakaroon na siya ng feelings para kay Razzo.
Nawawala na rin sa isipan niyang pagkaperahan ng husto ang mayamang CEO ng construction firm.
Sa loob loob ni Melanie, pinipigilan niyang magkagusto kay Razzo. Unang dahilan niya ayaw niya ang ugali nito. Pangalawa may kung anong bagay ang humahadlang kay Melanie sa tuwing iniisip niya si Razzo. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
"Hoy tulala ka na diyan!" Untag ni Laarni kay Melanie na dahilan para magising si Melanie sa napakalalim nitong iniisip sa mga oras na 'yon.
"Ngayon mo sabihin sakin na wala kang gusto sa amo mo nabanggit ko lang amo natulala ka na diyan. Kunwari ka pa." Sabi ni Laarni habang nakataas pa ang kaliwang kilay niya habang nakanguso pa.
"Hindi... Iniisip ko lang kasi mga dahilan kung bakit nga ba hindi ko siya magustuhan." Paliwanag ni Melanie st hindi rin niya din alam kung paano niya i-oopen sa kaibigan ang totoong nasasaloobin niya.
"Weh di nga. Wag nga ako Melanie, kaibigan kita kaya kabisado ko ikinikilos mo. Oo madami kang kinukuwento na madalas kayong mag-away ng amo pero nang mapagmasdan ko kayo kahapon kayo, 'yong tinginan niyo sa isa't isa naku halatang halata." Saad ni Laarni na hindi mapigilang matuwa at sa wakas ay may kumakaway ng pagkakataon na magkaroon ng lovelife ang kaibigan.
"Tumigil ka nga Laarni. Malabo magkagusto sakin iyon. Naiinis ako sa trato niya sakin, parati niya akong inaaway, hinihigpitan, tingin niya sakin wala akong ginawang maganda sa buhay ko." Ibinatong sagot ni Melanie sa iniisip ni Laarni.
Naningkit ang mata ni Laarni sa kaibigan. Tila hindi kumbinsido sa mga sinasabi ni Melanie sa kanya.
"Bakit ganyan mukha mo?" Inis kong tanong ni Melanie.
"Iba kasi napagkuwentuhan namin kagabi tungkol sa inyong dalawa ng amo mo."
Nagulat si Melanie nang marinig niya ang sinabing iyon ni Laarni. Sinabi pa nitong nagpalipas siya ng gabi sa unit kasama mga kinuhang empleyado ni Razzo. Madami silang napagkuwentuhan. Kitang kita sa mukha ni Laarni ang pagkakilig.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
Любовные романыFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...