Melanie Pov...
Napilitang akong bumalik sa substation. Umaasa akong may tutulong sakin ngunit wala akong makitang tao. Kakaalis ng huling biyahe ng tren.
Bigla na lamang may humatak saking braso.
Nagsisigaw ako habang naglulupasay para makawala sa taong bigla na lamang hinatak sa isang tabi.
"Mr. Epal???" Sambit ko nang magpakilala siya.
Hindi ko kagad siya namukhaan dahil sa suot niyang leather jacket na itim at maong na pantalon. Ibang iba sa nakasanayang kong suot niya. Nagtataka ko kung bakit hindi siya nakacoat o formal attire na sinusuot niya pang opisina.
"Its me. Dont be afraid." Sabi niya sabay silip sa daan.
"Magtago tayo..."
Dali-dali niya akong hinatak papasok ng cr.
"Bakit dito tayo magtatago? Makikita nila tayo dito." Reklamo ko kay Mr. Epal dahil tiyak na wala kaming kawala kapag naghalughog ang mga bata ni Buteteng Tonyo dito sa cr.
"Bahala na!" Sagot sakin ni Mr. Epal habang panay paroot parito ng lakad malapit sa lababo.
Nakarinig kami ng mga yabag papalapit samin.
"Nandiyan na sila, anong gagawin natin? Mapapahamak tayong dalawa." Sabi ko habang tinatangka kong buksan ang bintana sa dingding.
Buset! May grills ang binatana, katapusan ko na.
"Pumasok ka na dito."
Napalingon ako kay Mr. Epal. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa isa sa mga cubicle ng cr.
"Pumasok ka na kasi!" Pagkasabing iyon ni Mr. Epal ay mabilis niya akong hinatak papasok ng cubicle.
"Sino ba kasing 'yung mga humahabol sayo?" Bulong ni Mr. Epal sakin."Mga kalabang grupo namin sa pandurukot." Mabilis kong sagot.
"Makikita nila tayo dito." Nag-aalaa kong sabi.
"May naisip akong idea." Sabi niya.
"Ano? Hoy napanood ko na yan sa mga pelikula na may ginagawang kababalaghan kunwari dito sa cr. Ayaw ko ng naiisip mo." Protesta ko.
"Wala na tayong ibang paraan." Sagot niya.
"Hindi may ibang paraan." Salungat ko sa kanya.
Dali-dali kong tinakpan ang inidoro at pagkatapos ay tinungtungan ko.
Nakatayo ngayon ako sa inidoro at kitang kita ko ang buong cr.
"It will not work okay. Pagpasok pa lang nila they will saw you." Sabi ni Mr Epal.
Inabot niya ang kamay ko para alalayan akong bumaba.
"Paano na gagawin natin?"
Sa puntong ito ay lalo na kong namoblema dahil nakakarinig ako ng mga yabag ng sapatos ng mga bata ni Buteteng Tonyo. Sobrang tahimik sa substation.
"Seat on me." Wika niya sabay upo sa inidoro.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Parating na sila."
Kinabig ulit ako ni Mr. Epal at sapilitang pinaupo sa mga hita niya.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...