Chapter 45 Love That Never Ends

7 0 0
                                    

   
     "Wow luto na?"

     Excited na excited akong ilabas sa microwave oven ang na-bake ng cupcake. Tinuruan ako ng mga empleyado ng  coffee shop sapagkat malapit nang magbukas ang coffee shop.

      Kailangan bago magbukas ang franchise na coffee shop namin ni Razzo ay may background na ko sa pagbabake. Mas pinili kong i-handle ang operation dahil hindi ko kaya sa management. Tingin ko ay wala akong magagawa sa office. Mas gusto ko munang matutong magbake at kalaunan ay maging chef.

    Nais kong matuto ng maraming pagkain iluluto ko para kay Razzo.

      Kaya ang bestfriend ni Razzo na si Lee ang tututok at tutulong sakin sa shop. Tutulungan niya akong patakbuhin ang negosyo namin ni Razzo.

      Hiniling ko naman na ma-assign sa office ang mga angels ko na sila Trish, Anna at Tiffany. Tutal wala na silang trabaho bilang mga nasa glam team ko dahil pinatigil na ko ni Razzo sa pagmomodeling. Ito naman talaga ang plano para sakin ni Razzo noon nung hindi pa kami nagsasama.

      "Mam Melanie do the honor po." Sabi sakin ng baker nang mapalamig na ng kunti ang mga cupcakes.

      "Uy mayroon nang na-bake?" Biglang dungaw ni Laarni sa pinto galing sala.

       Malamang ay naamoy niya din ang napakabangong cinnamon cupcakes na na-bake ko.

        "Halika Laarni kainin na natin itong mga cupcakes. Kayo din kumuha na din kayo. Hindi naman siguro sasakit mga tiyan natin sa mga cupcakes ko. Natatawang sabi ko.

      Lumapit samin si Laarni para kumuha ng cupcake. Kasunod niya ay kumuha na rin ang dalawang baker na naggabay sakin sa pagbake.

      "Sige nga nang mahusgahan ko na nga itong binake ng beshy ko." Sabi ni Laarni habang tinatanggalan ng papel sa ilalim.  "Mmm masarap nga beshy." Hindi pa mapigilan ni Laarni na kagatan ng kagatan ang cupcake na hawak niya.

       "Weh hindi nga papatok na ba sa customer cupcakes ko?" Tanong ko sa kaibigang kong takaw na takaw sa cupcake.

       "Opo Mam Melanie papatok po sa panlasa ng customer nabake niyong cupcakes. Ganitong ganito po lasa ng mga ng timpla ng main branch. Sakto sa lang sa tamis at lambot." Komento ng Assisrant Chef.

       "Puwedeng puwede na po kayong mag-open bukas na bukas din." Papuri sakin ng mismong baker.

       Tinikman ko na din ang cupcake na hawak ko. Talaga ngang masarap nga. Salamat sa patnubay nitong mga Chef  na nagturo na sakin.

      "Inom kayo ng juice oh. Ako nag timpla niyan kung di niyo maitatanong ako tagatimpla ng chaser parati sa inuman." Alok ko.

      "Naku Mam salamat po. Bale hindi na po kami magtatagal at kailangan na po namin bumalik sa store." Saad ng  Chef.

  
      "Ay ganun ba sige. May kailangan pa ba akong gagawin?" Tanong ko sa kanila   dahil napansin ko na naglabas sila ng papel at ballpen.

  
       "Papirma na lang po nitong record Mam katunayan na nagpunta po kami dito sa bahay niyo para turuan kayo magbake." Sabi nila.

      "Ah ganoon ba hindi ba puwedeng groupie na lang katibayan na magkakasama tayo ngayong araw?" Tanong ko sa kanila.

      "Puwede po Mam sige po picture po tayo."

 
       Kaagad naman akong lumapit para magpapicture kasama nila. Hawak pa namin ang mga kinagatan naming cupcakes. Nakisama pa nga si Laarni.

      Pagkatapos nun ay nagpaalam na samin ni Laarni ang dalawang chef. Babalik pa daw sila sa main branch para magduty.

      "Wow ang beshy ko asensado na talaga. Makakapag-asawa na talaga ng  mayaman." Masayang sabi sakin ni Laarni habang tinutulungan niya ako mga hugasin.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon