Melanie...Kunting gamit lang ang hinakot ko
nang iwan ko si Razzo. Bukod sa kunti lang ang binili ko gamit ang sarili kong pera. Nahihiya akong makaistorbo kay Laarni. Mga damit na pangpasok lang ang kinuha ko para may magamit ako.Pinipigilan ko na sarili kong umiyak. Binubura ko na din sa isipan ko si Razzo. Pero everytime na maalala ko siya napapaluha ako.
Sayang... Akala ko magiging masaya na buhay ko sa piling niya. Parang saglit lang na pinatikman sakin ang saya at sarap na mahalin ng isang taong pinapangarap ko.
Napapunas ako ng luha nang pumasok si Trisha at Tiffany. Wala si Anna nagfile ng leave kahapon. Hindi ko alam dahil ba sa apektado din siya ng mga pangyayari o nahihiya sa paglilihim ng nalalaman niya tungkol kay Razzo.
"Mam Melanie may gusto po kumausap sa inyo." Sabi ng isang babaeng barista.
"Okay, susunod na ko."
Nilagpasan ko lang sila Tiffany at Trish. Alam na naman nila ang nararamdaman sa ngayon kaya parang nagoobserba lang sila sakin magmula p kanina.
Bago ako pumunta ng dinning ay tinanong ko muna kung sino sa mga kung sino ang gustong kumausap sakin. Naalala ko ng isang araw ganito rin ang masamang pangyayari. May tao din naghahanap sakin.
Inisip ko sana at huwag na maulit ang pangyayaring iyon. Sana ay customer lang na di nagustuhan ang isinerve na coffee.
Base sa pananamit ng babae ay masasabi mong nabibilang siya sa mga alta sa siyudad. Nakasuot siya ng puting trouser skirt. Hapit sa katawan niya ang satin na telang pantaas. Tinernohan niya ang kanyang suot ng malaking sumbrero kaya ikinukubli nito ang kanyang magandang mukha.
"Good afternoon is there anything I can do for you Mam?" Bungad ko sa babaeng nakayuko pa rin.
Bahagya kong narinig ang kanyang pagtawa kaya ako'y nagtaka.
"Mam?"
Sinagot naman din niya ako kaagad na ikinagulat ko, "Ito na ba ang best seller ng coffee shop na 'to? Walang kalasa-lasa ang kape!" Masungit na sabi ng babae.
"Mas masarap pa ang lasa ng tubig kaysa pinagmamalaki ninyong cafe." Walang kagatol-gatol na sabi ng babae.
Naalarma na ko sa mabagsik na boses ng babaeng customer at bukod dun nakabubulahaw na siya sa ibang customer.
"Mam I'm sorry but our suppliers came from the leading brand in Europe. Kaya guarranteed na masarap po lahat ng inooffer naming coffee and drinks." Paliwanag ko.
"Oh really ibang klase na pala mga babae ngayon dito sa Golden City. Nandito na nga ang pruweba itinatanggi pa."
Hindi ko naintindihan ang sinasabi ng babae at parang napalayo na sa takbo ng usapan namin.
"Maupo ka," utos ng babae.
"I said maupo ka!" sigaw ng babae nang hindi ko siya sundin.
Napatingin saming lahat mga customer sa pagsigaw niya sabay hampas niya sa lamesa ng bottled water.
Naupo naman ako ng dahan-dahan sa harap niya. Ito ang kauna-unahang makadama ako ng takot sa taong ngayon ko pa lang nakaharap.
Nagimbal ang babae nang magpantay ang aming paningin. Kitang kitang ko ang pagkagulat niya.
Halos lumuwa ang mga mata ng babaeng maganda at napakasopistikada tingnan. Ang ikinabahala ko ay napansin ko ang panginginig ng buong katawan niya sa galit.
BINABASA MO ANG
Book 2 of FD 'MGIFD' Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'
RomanceFrom the Book 1 Fuckboy Desire: My Girlfriend is Freak Doll Comes the continuation in Life of Razzo. After the Goddess Zuleika saved Razzo from the cursed. Zuleika died in Razzo's arms. At that moment He was warned by Natalia the Goddess of H...