Chapter 39 Reunion part 2

10 0 0
                                    


      "I don't remember we became friends!" Salungat naman ni Razzo sa sinabi sa kanya ng lalaki.

      Sino nga ba ang lalaking ito at magkakilala sila ni Razzo, kasama pa nitong si Ate Gurl. Talaga nga sigurong may nagaganap na mini reunion ngayon dito.

       "Patrick???" Tawag naman ni Ate Gurl sa lalaking dumating.

      Lalapitan sana siya ni Ate Gurl ngunit bigla itong tumalikod.

      "Ano bang ginagawa mo dito Patrick? Was is all about your big entrance to this conference room?" Sabi ng jowa ko na mukhang hindi ata maganda ang mangyayari.

       "What am I doing here? Tinatanong mo ko kung bakit ako nandirito ngayon." Humarap muli ang lalaki samin. Abot tengga ang pagkakangiti nito samin.

       "Wait Patrick let me guess, I heard that may bago ng CEO ang Lay Naked Philippines." Natigilan si Ate Gurl sabay takip pa ng mga bibig. "Omg so it's you the new CEO?"

       Sa pagkakaintindi ko ang lalaki ngayon na bagong dating ang siya ngayon CEO Lay Naked PH.

        "Engr. Thompson and Ms. Melanie, we would like you to meet our new CEO of Lay Naked Philippines, Mr. Patrick Zobel Saavedra." Formal na pagpapakilala samin ng matandang kausap ni Razzo sa meeting magmula pa kanina.

        "Patay hindi maganda 'to." Dinig kong bulong ni Trish sa likuran ko.

 
         "Bakit anong problema?" Tanong ko naman kay Trish.

          Pinalapit pa ko nang husto ni Trish para bulungan. Sinabi niya sakin na mortal na kaaway pala ni Razzo nung highschool si Patrick.

          "No this can't be." Tanging nasabi lang ni Razzo nang kumpirmahin samin na si Patrick nga ang CEO ng Lay Naked PH.

       
         "So am I really late for the contract signing? Well then lets have a toast or do we have a pictorial?" Tanong samin ni Patrick. Kung kanina ay pangiti ngiti ito samin ngayon ay seryoso na ang mukha.

          Patungo sana si Patrick samin para ayain kaming magpictorial ngunit bigla akong kinabig ni Razzo.

        "No there is no contract signing."  Mariing sabi ni Razzo saming lahat.

        Nagulat kami sa sinabing iyon ni Razzo. Kaya umalma ang ibang executives at pati na rin ang negra na amerikanang si Ms. Montecalvo. Hindi kami makapaniwalang umuurong na siya sa pirmahan ng kontrata.

         "Mr. Thompson what are you doing?" Tanong ni Ms. Montecalvo kay Razzo.

        "Haven't you heard o read my demands? Hindi ba sinabi ko sa inyo na pipirmahan lang namin ang kontrata kapag nasisiguro ko ang safety ng talent ko. And you agreed with it a while ago." Paalala ni Razzo kanina.

         Natatandaan kong umuoo nga sila sisigaruduhin nila ang kaligtasan ko bago pinag-usapan ang nilalaman ng kontrata.

         "Mr. Thompson you've just ruin this big project for Ms. Melanie." Saad naman ni Ms. Montecalvo kay Razzo.

         "Ruin? Were just only discussing the contract. At wala pang pumipirma on our sides." Giit ni Razzo.

         Sobra-sobra ang kabog ko nang marinig ko si Razzo tungkol sa wala pang pumipirma ng kontrata. Amg totoo niyan hindi niya alam na pinirmahan ko kagad ang kopya ng kontratang hawak ko kanina.

       Napapakamot ako sa batok habang naghahanap ng lakas ng loob na  sabihin kay Razzo na pirmado ko na ang kontrata.

       "Love," bulong ko sabay sitsit sa kanya para kunin ang kanyang atensiyon.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon